NeiLathala » trabaho

2009 at ang Bagong Taon
Ilang araw na makalipas ang Bagong Taon pero ngayon lang ulit ako nakapagsulat dito. Sa katunayan, ninais kong magsulat sana bago matapos ang 2008 pero maging nung a-trenta y uno ay mas inuna ko ang pagpapaputok ng Piccolo kaysa sumulat. Bago pala ang lahat, nais ko munang batiin kayo ng isang Masaganang Bagong Taon at Masayang Pagsalubong sa 2009.

Masaya ang naging bakasyon ko ng nakalipas na mga linggo. Nung una, parang ayaw ko ng bakasyon, mas ginusto kong bumalik na lang ng UP Diliman at magtrabaho ulit kaysa mainip sa bahay namin. Pero sa katagalan, mas ninamnam ko ang bakasyon at eto ako ngayon, tinatamad magtrabaho. Sinipag ngang sumulat kaya nga naisagawa ang post na ito.

Bagong Taon na. Hindi ko naman ugali ang gumawa ng New Year’s resolution. Di ko rin naman natutupad karamihan at ayaw ko ng lokohin ang sarili ko. Saka isa pa, hindi ko rin naman ilalagay din yun sa blog na ito, mamya di ko magawa, makakasira lang sa aking image. Naks, parang artista na naman.

Nitong mga nagdaang araw, busy ako sa pagtatapos na aking mga websites. Kailangang kumita at mag-ipon, para makalagay na ako sa tahimik. Hehehe. Mahirap pa naman kumita ngayon lalo na at may recession sa Amerika. Matumal ang mga binebenta ko at wala ng mauto sa Digital Point. Ako pa naman, naniniwala akong kahit na maraming marurunong sa Digital Point, di pa rin nauubusan ng tanga roon. Ako man, nagsimula rin sa pagiging tanga =) Pero ngayon kahit papaano, di na rin nauuto, nang-uuto na lang.

Sabi ng isa kong kaibigan, bakit hindi raw ako nagsusulat tungkol sa mga kaganapan sa Pilipinas, lalo na sa takbo ng pamahalaan. Eh yun daw naman ang hilig kong pag-usapan lagi. Ang akin naman, wag na lang, sayang lang ang oras ko. Maging ako ay unti unti ng nawawalan ng pag-asa para sa bansang Pilipinas. Kapag nakikita ko ang mga kabataan ngayon, hindi ko lubos maisip na sila ang magiging haligi ng Inang Bayan sa darating na panahon. Ayan, nagiging sentimental na naman ako. Kaya nga ayaw kong magsulat ng tungkol sa ganyan.

Hayaan n’yo balang araw, bibigyan ko ng panahon ang mga ganyang bagay, pero hindi ko na aasahang mamumulat pa ang sambayanang Pilipino. At kung sakali mali ako, hindi iyon mangyayari sa panahong nabubuhay ako…