NeiLathala » Nanay Unic

LP #6: Mahal na Ina
Ito ang mahal na ina ng aking ina, si Nanay Unic. Bagaman siyamnaput anim na taon na, di pa rin nawawalan ng pag-asa at pinanghihinaan ng loob. Kung gaano kalakas ang loob nyang mabuhay pa, ganun din kalakas ang boses niya kapag tinatawag ang pangalan ko. Dahil siya na ang pinakamatanda sa aming baryo sa Batangas, mistulang ina na rin siya ng pamayanan.

Eto ang mga naging tropeo ni Nanay sa nakalipas na siyamnaput anim na taon:

Anak: Sampu

Apo: Humigit kumulang na singkwenta

Apo sa tuhod: Humigit kumulang na isangdaan

Apo sa talampakan: Isa

Naisulat ko na din ito sa dati kong blog sa Friendster, pero ngayon, ilalathala ko ulit dito. Para sa mga nanay, saan man sa mundo, saludo ako sa walang katumbas nyong pagmamahal. At bilang isa sa mga anak na nais magbigay pugay, ito ang masasabi ko….

Salamat sa Iyo Nanay

Paggising sa umaga

Handa na’ng almusal sa mesa

Habang siya ay namamalansta

Ng uniporme sa eskwela.

Nabutas na ang medyas

Ang polo’y di kumupas.

Naluma na ang cellphone

Maong man ay may gasgas.

Nang dahil kay nanay

Sa husay niyang magsampay

Buhay ay nagkaroon ng kulay.

Salamat sayo nanay.

<object width="425" height="355"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/mmWhrKETw5s&hl=en"></param><param name="wmode" value="transparent"></param><embed src="http://www.youtube.com/v/mmWhrKETw5s&hl=en" type="application/x-shockwave-flash" wmode="transparent" width="425" height="355"></embed></object>

Incoming search terms:

inaakay na lola

nabutas na ang medyas ang polo\y di kumupas naluma na ang cellphone maong man ay may gasgas nang dahil kay nanay sa husay niyang magsampay buhay ay nagkaroon ng kulay

Nubentay Sais
Naisulat ko ang tungkol kay Nanay Minya sa aking nagdaang blog post. Nung pumunta ako ng Batangas, bago pa ako lumuwas ng Maynila ay dumalaw din ako sa isa ko pang lola, si Nanay Unic (siya ang nanay ni nanay). Kung iniisip nyo bat magkakalapit lang ang bahay ng mga lola ko, third cousins si tatay at si nanay, kaya wag na kayong magtaka kung ganito man ako   Ang daldal pa rin ni Nanay Unic, at tulad ng dati, walang sawang sinalaysay ang mga kaganapan sa buhay ko mula nung ako’y maliit pa. Maging ang mga masasayang kabataan ng mga kapatid ko ay hindi nakaligtas sa kanyang alaala. Natanong nya kung kailan ang alis ko.

Lola: Kailan ga ang luwas mo?

Neil: Ay di mamaya ho, pagkatapos ng libing?

Lola: Wala ka pala sa kumpleanyo ko?

Neil: Oo nga nanay, iiwan ko na lang sa inay ang pera, pandagdag sa handa nyo.

Lola: Sayang naman, patay-baboy pa naman sa Martes, di na kayo makakakain.

Neil: *bulong sa sarili* Pucha! Ang pera naman pala ng Nanay, parang barya lang yung ibibigay ko!

Neil: Ilang taon na ga kayo?

Lola: Siyamnapu’t Anim

Neil: Talagang alam nyo pa rin ano?

Lola: Di ga nga. Katanda ko na pala.

Isa lang yan sa mga lagi naming usapan ni Nanay Unic.

At si Nanay, kahit mahigit ng nubenta, nagyoyosi pa! At kung gusto nyong matuto ng mga salitang Batangas, siya ang dapat nyong kausapin. Yung sandaling pagdalaw namin ng mga kapatid ko sa kanya nung araw na iyon, napakaraming salitang Batangas ang naisave ko sa cellphone ko.

Naisip ko nga kuhanan ng larawan si Nanay, at kahit na nayayamot ay nagpaunlak pa rin.

At minumura nya ang kapatid ko sa tuwing nakikita niyang nakatutuok sa kanya ang kamera. Yun pala, ayaw lang niyang makita ang parang turban sa kanyang ulo, maging ang tuwalyang nakapulupot sa kanyang leeg. Eto na ang mga ebidensya na na feel na feel ni Nanay magpalitrato.

Yan si Nanay Unic, simple pero rock!

Pasakalye:

Nais ko ring batiin si Brandong Bai na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon gayundin si Marlaloo at si Kitchie na may kaarawan nung Biyernes. Kay Ate Jen, pagaling ka!