LP #6: Mahal na Ina
May 12, 2008 by Neil
Filed under Buhay-buhay

Ito ang mahal na ina ng aking ina, si Nanay Unic. Bagaman siyamnaput anim na taon na, di pa rin nawawalan ng pag-asa at pinanghihinaan ng loob. Kung gaano kalakas ang loob nyang mabuhay pa, ganun din kalakas ang boses niya kapag tinatawag ang pangalan ko. Dahil siya na ang pinakamatanda sa aming baryo sa Batangas, mistulang ina na rin siya ng pamayanan.
Read more
Nubentay Sais
April 29, 2008 by Neil
Filed under Buhay-buhay
Naisulat ko ang tungkol kay Nanay Minya sa aking nagdaang blog post. Nung pumunta ako ng Batangas, bago pa ako lumuwas ng Maynila ay dumalaw din ako sa isa ko pang lola, si Nanay Unic (siya ang nanay ni nanay). Kung iniisip nyo bat magkakalapit lang ang bahay ng mga lola ko, third cousins si tatay at si nanay, kaya wag na kayong magtaka kung ganito man ako
Ang daldal pa rin ni Nanay Unic, at tulad ng dati, walang sawang sinalaysay ang mga kaganapan sa buhay ko mula nung ako’y maliit pa. Maging ang mga masasayang kabataan ng mga kapatid ko ay hindi nakaligtas sa kanyang alaala. Natanong nya kung kailan ang alis ko.
Read more

