NeiLathala » kodakan

SEO mong MOA mo (ulit!)
Hindi ko alam pero makailang beses ko na yatang ipinangako sa blog na ito na magsusulat ako lagi pero sa di ko rin malamang kadahilanan ay hindi ko talagang magawang regular na magpost dito. Kung ano ang nakain ko at bigla na naman akong nagsulat dito, dalawa lang ang dahilan… PASKO at SEO.

Nagkita kasi ang mga miyembro ng SEO Philippines noong  Sabado. Sa katunayan nga, late na itong post ko kung tungkol rin lang sa nasabing pagtitipon ang magiging paksa ng post na ito. Pero dahil na rin sa sinabi ni Meg na marami akong fans na naghihintay basahin ang anumang isusulat ko,  eto nga’t gumagawa na ako ng isusulat. Sikat eh! Bukod pa ron, karamihan sa mga nagpunta, halos gumawa na rin ng blog post, at dahil sa andun ako ng gabing yon, sa kanilang pagsasalaysay ng mga nangyari, nabigyan ako ng libreng backlink. Baka naman sabihin nila “I don’t know how to return the favor”. Totoo naman…. pero dahil malakas sa akin ang mga taong iyon, eto at ibibigay ko sa kanila.

Tulad ng nakagawian, late na naman ako dumating. Kasama ko ang kapatid ko para gumawa ng documentary ng mga taong kumikitang kabuhayan sa Internet. Buti na lamang at nagpaunlak agad (bago pa ako pumunta) si Zaldy na magpainterview. Swerte naman at naroon din si Rostum dahil kumbaga sa pelikula, siya ang nangunguna sa billing. Kasama rin nya ang kanyang kabiyak na sa rami na naikwento, kulang na lang magtago si Rostum sa manhole, o hilingin na lang na mawalan siya ng malay nung gabing iyon para tapos na ang usapan. Nagpapasalamat ako sa lahat ng naroon dahil sila ay nagpainterview rin. Ni walang pasubaling sinabi ang kinikita nila sa Internet, kaya behave kayo sa akin, isusumbong ko kayo sa BIR. Si Almer, mabilis pa rin sa babae, kung gaano kasingkit ang mga mata nyan (yang mga matang yan ang pumapatay sa mga kababaihan), siya naman ganun kalaki ang paningin nyan sa mga magaganda. Nakakatuwa lang rin dahil marami pa ring dumating. Si Kenneth, nakita ko na rin sa personal, at tama ang sinasabi ng iba, kung gaano kaingay sa forum at kakulit sa YM, siya namang napakatahimik sa personal. Ayaw pang uminom, muntik ko ng ibili ng Yakult yan. Si Eric andun rin, na mula pa sa Pangasinan ay lumuwas ng Maynila upang makita ang alindog namin, hehehe. “Wag  kang mag-alala, maalindog ka rin!” Si Meg, na nagsabi ngang marami akong tagahanga… “Sabihin mo sa kanila, gagawa ako ng fans day.” Si Carol, aka icezorg, na tulad ni Kenneth ay tahimik rin, pero pasasaan bat lalabas din ang kamalditahan nyan. Si Ricky, ang aming litratista, ay lagi kong kakwentuhan ng mga katangahan at pagkakaperahan ng mga tao sa Digital Point. Andun din si Gary, na nalaman kong galing din ng UP Diliman…. kaya pala ramdam ko ang pusong “makibaka”. Marami pa kaming pag-uusapan nyan, malamang tungkol sa rebolusyon. Sino ba naman ang makakalimot sa bigating (si Mito ang nagsabi nito ha?) si Ester? Isa ito sa mga nagbigay ng aliw ng gabing iyon. Sa mga hindi nakapunta, sayang at hindi nyo nasaksihan ang tinutukoy ko. Natutuwa rin ako at dumating si Arnold, isa sa mga taong taas-kamay ako pagdating sa SEO. Simple lang bumanat ito, maging mga website nya, simple rin lang. Gawang Frontpage, static, pero ginagawang gatasan ang Google pagdating sa pagkita sa Adsense. Buti at dumating rin ang paborito kong couple, si Pastor Jeff at si Ate Jen. Sa wakas at nakilala rin ni Ate Jen ang mga tao sa SEO.PH, at umaasa akong makakapunta rin sila sa mga susunod pang pagtitipon.

May mga sensitibong usapan na naganap nung gabing iyon. Kasama na rito ang sinasabing posibleng pagbenta ng domain ng SEO.PH. Hindi ko naman masisisi si Marc kung sakaling ibenta nya ito, siya naman ang may-ari. At kung may katotohanan ang alok na 5 milyong piso para sa SEO.PH, kung ako ang nasa katayuan ni Marc, tatanggapin ko ang alok. Pera pera lang, hehehe. Bilang miyembro, lalo na at bilang tagapangasiwa ng SEO.PH, masakit isipin na mawawala ang website sakaling maibenta ang SEO.PH. Kahit na sabihing lilipat lang ng ibang pangalan ito kung sakali (SEOPHILIPPINES.ORG), nakilala at nakilala ang grupo bilang SEO.PH at mahirap alisin iyon sa aking sistema.

Ako man, kahit na masaya ako sa pamilya ng SEO Philippines, nakakasama rin ng loob na makitang may mga taong panay lang ang kuha ng impormasyon at kaalaman sa grupo pati na rin sa website. Hindi kasi iyon ang natutunan ko sa industriyang ito. Natuto ako ritong gumawa ng sarili kong kabuhayan pero di tulad ng mga tradisyonal na negosyo, iminulat ako nito na kung aangat ako, maaari kong isama sa pag-angat ko ang sinumang nabibilang sa sambayanang Pilipino. Hindi sila lalabas na katunggali sa merkado.  Pero sa nakikita ko, mistulang nanghuhuthot lang ng mga ginintuang kaalaman ang ibang miyembro at hindi marunong ibalik sa bayan ang nararapat. Just pay it forward…

Sana ay maihanda na ni Arnold ang kanyang yate para sa susunod na pagtitipon, dun na namin gagawin. At sana makapunta na rin si Kutitap, si Mito, at hindi na makalimot si Alfred. At sa lahat ng aktibong miyembro ng SEO.PH, sana at makadalo rin kayo. At sa kung saan man tayo dalhin ng kapalaran sa buhay ng ating grupo, hiling ko ang suporta ninyo at patuloy na pagsasalin ng kaalaman at pagbahagi ng mga aral sa kapwa Pilipino.

*Note: Ganyan ako kabait, kahit di nagpunta mga yan, me libreng backlink pa rin…. Sa mga pictures, puntahan nyo na lang blog ni Zaldy at Ester, marami run!