Browsing articles tagged with " inuman"
Dec 24, 2008

SEO mong MOA mo (ulit!)

Hindi ko alam pero makailang beses ko na yatang ipinangako sa blog na ito na magsusulat ako lagi pero sa di ko rin malamang kadahilanan ay hindi ko talagang magawang regular na magpost dito. Kung ano ang nakain ko at bigla na naman akong nagsulat dito, dalawa lang ang dahilan… PASKO at SEO.

Nagkita kasi ang mga miyembro ng SEO Philippines noong Sabado. Sa katunayan nga, late na itong post ko kung tungkol rin lang sa nasabing pagtitipon ang magiging paksa ng post na ito. Pero dahil na rin sa sinabi ni Meg na marami akong fans na naghihintay basahin ang anumang isusulat ko, eto nga’t gumagawa na ako ng isusulat. Sikat eh! Bukod pa ron, karamihan sa mga nagpunta, halos gumawa na rin ng blog post, at dahil sa andun ako ng gabing yon, sa kanilang pagsasalaysay ng mga nangyari, nabigyan ako ng libreng backlink. Baka naman sabihin nila “I don’t know how to return the favor”. Totoo naman…. pero dahil malakas sa akin ang mga taong iyon, eto at ibibigay ko sa kanila.
Continue reading »

Archives