NeiLathala » compleaÃ±o

Birthday Ko Ngayon…. Eh Ano Naman?
Halos mahigit isang linggo na ang lumipas mula nung nakaraang Wordcamp kung saan sabi ko ay gagawa ako ng blog post pero magpahanggang ngayon at ni isang draft ay wala akong nagagawa. At ngayon pa ba naman ako gagawa?

Ito ang aking espesyal na araw, dahil sa araw na ito, ipinanganak ang taong babago sa kasaysayan ng bansang Pilipinas. Sino pa, edi ako? Tama, kaarawan ko ngayon at masaya akong haharapin ang panibagong taong ipinagkaloob sa akin ni Lord.

Pagkagising ko sa umaga, nakatutok na ang tenga ko sa eRadioPortal (wala kaming radyo kaya sa Internet ako nakikinig ng balita) upang makinig sa DZRH. Kung hindi ninyo naitatanong, isa ito sa mga mahihilig bumati sa mga may kaarawan tuwing September 18. Bakit kanyo? Dahil ang alamat ng istasyon na si Joe Taruc ay nagdiriwang din ng kaarawan sa araw na ito. At para siguradong walang makakalimot bumati sa akin, kahit na pangkalahatang bati lang, tumutok na ako sa radyo ng talagang may makaalala.

May isang segment sa programa kung saan pinasalamatan ni Manong Joe ang napakaraming bumati sa kanya, halos alas kwatro pa lamang daw ng madaling araw ay bumabaha na ng pagkain sa DZRH. Sa katunayan, ang inalmusal daw ng mga tao sa kanilang himpilan ay lechon! Nakanang! Sa akin naman, marami rin ang bumati (sa katunayan, makikita nyo sila sa patuloy nyong pagbabasa). Sikat eh! Yun nga lang, di tulad ni Manong Joe, wala namang nagpadala sa kin  ng pagkain. Kakaiba nga, dahil ang iba pa sa mga bumati, sila pa ang humihingi ng pagkain, para bang hindi na nila kayang bumili ng bigas kahit na NFA rice man lang. At karamihan din dito, cheese burger lagi ang hinihingi, na para bang yun na lang ang natitirang uri ng pagkain sa balat ng lupa. Pwede namang humingi ng Big Mac, Fish Fillet, o kahit Quarter Pounder, di ko maintindihan bakit puro cheese burger ang paborito ng karamihan. Kung hihingi ka na rin lang, luboslubusin mo na. Hindi ko rin naman ibibigay yun pag nagkataon, at least sabi nga ng Kamikazee… libre lang mangarap. Pero malay nyo isang araw, masuka na lang ako ng pera. Pag nangyari nyo, pasusukahin ko rin kayo ng mga pagkaing hinihingi ninyo.

Masaya ako at marami ang bumati sa akin ngayon. Ilang taon na kasi ang lumipas, sinadya kong alisin sa Internet ano man ang makakapagpaalala sa mga tao ng aking kaarawan. Binago ko sa Friendster ang birthday ko, inalis sa Ringo, maging sa Hi5 at ibang pang mga websites na sinalihan ko. Ito’y upang masubok ko kung sino talaga ang makakaalala. At tumpak! Dahil sa ginawa ko, wala tuloy nakaalala. Kung meron man, mas marami pa ang mga daliri ko sa kamay kaysa sa bilang ng mga bumati. Kaya sa mga sumunod na taon, halos ipagsigawan ko na birthday ko ng September 18!!!

Ngayong taon, sinubukan kong gawin ulit ang nasabing eksperimento, pero di na naulit ang tulad ng nagdaan. Adisisiyete pa lang, may mga nauna ng bumati sa akin. Si Angel, ang Reyna ng PinoyTV ang isa sa mga nauna. Si Anthony, ang kilabot ng mga taga Barrio Verde ay bumati na rin pati na rin si brandong Ryan. Maging ang mga kaopisina ko sa Unibersidad ng Pilipinas ay nagparating na rin ng kanilang pagbati. Nung kinagabihan ay binati na rin ako ng aking pinakamamahal na si Niel… naks! Kilig, hehehe.

Kaya kanina, matapos ang pakikinig kay Manong Joe, binati na rin ako ng aking nanay, tatay, at mga kapatid. Saka ako humayo upang magsimba at lalong maulanan (pag ambon konti lang) ng biyaya ni Lord. At matapos ang misa, parang nakatunog ang mga tao na pwede na akong itext, eto na’t nagdaratingan ang mga texts ng pagbati. Ang dami nila, parang di ko na kayang isa-isahin. Pero dahil masaya ako, pasasayahin ko rin ng pasasalamat ang buhay nyo.

Sa mga kasama ko sa SEO Philippines, lalo kay Pizza na nagpasimula ng thread upang batiin ako sa araw na ito, maraming salamat. Sa mga mahihilig sa cantunan, balang araw me cantunan ulit. Kay Melvin, ang kapatid ko na sa hirap at hirap pa rin, na miyembro na rin ng SEO Philippines at bumati rin sa IMFROMCCC Community kasama ni Matet at ni Ryan.

Sa mga nagtext…. si Ige, si Parang Andie, si Kristeeny, si Dhang ng Philippine Heart Foundation, si Noriel, si Adel na mabait, si Noriel ang milyonaryo ng Taytay, si Jomar ang aking brando na lagi kong kaJollibee moment, si Lekoi, Korky, Ei, si Sheryl ang kaklase ko nung high school, si Ryan at Michael na mga kababata ko sa Batangas, si Ate Jen, si Pepay ang aking inaanak, si Feliz, ang kumpare kong si Pugon, at matalik kong kaibigang doktor na si Merl, si Joan ang butihing kabiyak ni Melvin, si Prof. Mike, si Dang ng Makati, si Ate Rita ang walang tigil mangutang, ang pinsan kong si Shiela, si Almer ang underage na milyonaryo, si Kathy ang kilabot ng The Fort, si Malen ang kinakapatid ko, si Matet ang prinsesa ng Hanson, at si Dr. Ben ang idol ko sa buhay.

Sa mga tumawag… kay Ei, salamat, sa pamangkin ko na si Lalei na tumawag mula pa sa Dubai at si Erick na tumawag mula sa Tate, maraming salamat sa inyong lahat.

Sa mga nagbigay ng testimonial sa Friendster, si Melvin din, si brandong Aris, si Kim, at si Lalei ulit, maraming salamat. Sa mga nagmessage sa Friendster, si Anthony at si Pareng Reggie (pare bukas ikaw naman!)

Kay Angel, Gail, Erick at kay Anthony na bumati sa akin sa YM, maraming salamat.

Sa aking mga pamilyang kinabibilangan, sa Tropang Brando, sa UP SURP, sa UP NCPAG, sa UP Manila, sa SEO Philippines, sa UP PALS, sa Cainta Catholic College Batch 97, sa SEO Philippines, sa CHED, at sa mga nakasama ko sa Marikina Polytechnic College, maraming salamat sa inyong lahat!

Whew! Nakakapagod… para na akong artistang tumanggap ng acting award. Basta sa lahat ng nakaalala, maraming salamat. Sa mga nakalimot, me next year pa naman!

Ganun talaga…birthday ko ngayon… at sana dumating ang panahon, buong Pilipinas, makaalala na ng birthday ko =)

Incoming search terms:

pasasalamat sa pagbati sa aking kaarawan

pasasalamat sa pagbati sa kaarawan

maraming salamat sa mga bumati sa kaarawan ko

maraming salamat sa pagbati sa birthday ko

nagpapasalamat sa pagbati sa akin ng happy bday

pasasalamat sa mga bumati sa aking kaarawan

pasasalamat sa mga taong bumati sa iyong kaarawan

pasasalamat sa nakaalala sa kaarawan

salamat sa lahat ng nakaalala sa kaarawan