Halos kulang kulang dalawang buwan at gaganapin na ang Wordcamp Philippines 2008 dito sa Maynila. Nung una, wala talaga akong balak dumalo dahil na rin sa dami ng trabaho ko. Pero naisip ko, ano ba naman ang mawawala kung papatusin ko ang pagkakataong ito, wala na nga akong dapat pang bayaran. LIBRE! Totoo ang nababasa ninyo, walang bayad, gratis! Ano pa ang hahanapin ko, ako na lang ang hinihintay, kaya naman nagparehisto agad ako at sana ay mabigyan ng tsansang mabigyan ng tiket. Kung wala ng upuan, pwede naman akong tumayo maghapon.
Continue Reading…
Nakakapanibago… Yan ang tatlong letrang nakakabit sa pangalan ko dahil sa isang pangyayari nung nakaraang buwan. Hanggang ngayon, kahit na natapos na ang oath taking na binalahura ko ang pag pose, hindi pa rin ganun kalinaw sa mga tao, maging sa sarili ko kung ano nga ba ang EnP. Environmental Planner, pag tinatanong ako ng mga kaibigan ko, iniisip nila sa DENR na ako magtatrabaho, yung iba naman sabi sa NEDA daw, kasi dun daw ang planning. Pero may higit pa sa lahat ng mga haka hakang yun. Hindi naman yun nakakakahon sa DENR at sa NEDA lang. Subalit sa ngayon, patuloy ko ring hahanapan ng kasagutan ang mga tanong na yun.
Continue Reading…
Bilang panimula ng aking pagbabalik, ito ang magandang paraan upang sirain ang isang okasyong inaakala ng karamihan na isang pormal. Matagal din akong nawala, napabayaan ang magpost para sa Litratong Pinoy at sa mga iba pang kailangang isulat.


Ito ang mahal na ina ng aking ina, si Nanay Unic. Bagaman siyamnaput anim na taon na, di pa rin nawawalan ng pag-asa at pinanghihinaan ng loob. Kung gaano kalakas ang loob nyang mabuhay pa, ganun din kalakas ang boses niya kapag tinatawag ang pangalan ko. Dahil siya na ang pinakamatanda sa aming baryo sa Batangas, mistulang ina na rin siya ng pamayanan.
Continue Reading…
Ito ang una kong paglahok sa Litratong Pinoy. Pero sisimulan ko na ito sa kung ano ang pinakahuling tema sa linggong ito.

Kuha ko ito kahapon sa Hundred Islands sa Pangasinan - isang isla hindi tinatahanan ng mga tao, at nadadalaw lamang kapalit ng ilang pisong bayad sa mga bangkero. Sinasabi kasing di raw kayang mabuhay ng tao na mag-isa. Naisip ko tuloy, paano pa ang tumira sa isang isla nang nag-iisa? Sa tulad kong makwento at parang kailangan lagi ng kausap, ang pagtira sa isla ng ako lamang at parang isang pagpapakamatay. Pagkat ito’y walang kasiyahan idudulot sa akin, maliban sa isang tambak na pag-aaalala at pangungulila.