Browsing articles in "Buhay-buhay"
Jan 5, 2009

2009 at ang Bagong Taon

Ilang araw na makalipas ang Bagong Taon pero ngayon lang ulit ako nakapagsulat dito. Sa katunayan, ninais kong magsulat sana bago matapos ang 2008 pero maging nung a-trenta y uno ay mas inuna ko ang pagpapaputok ng Piccolo kaysa sumulat. Bago pala ang lahat, nais ko munang batiin kayo ng isang Masaganang Bagong Taon at Masayang Pagsalubong sa 2009.
Continue reading »

Dec 24, 2008

SEO mong MOA mo (ulit!)

Hindi ko alam pero makailang beses ko na yatang ipinangako sa blog na ito na magsusulat ako lagi pero sa di ko rin malamang kadahilanan ay hindi ko talagang magawang regular na magpost dito. Kung ano ang nakain ko at bigla na naman akong nagsulat dito, dalawa lang ang dahilan… PASKO at SEO.

Nagkita kasi ang mga miyembro ng SEO Philippines noong Sabado. Sa katunayan nga, late na itong post ko kung tungkol rin lang sa nasabing pagtitipon ang magiging paksa ng post na ito. Pero dahil na rin sa sinabi ni Meg na marami akong fans na naghihintay basahin ang anumang isusulat ko, eto nga’t gumagawa na ako ng isusulat. Sikat eh! Bukod pa ron, karamihan sa mga nagpunta, halos gumawa na rin ng blog post, at dahil sa andun ako ng gabing yon, sa kanilang pagsasalaysay ng mga nangyari, nabigyan ako ng libreng backlink. Baka naman sabihin nila “I don’t know how to return the favor”. Totoo naman…. pero dahil malakas sa akin ang mga taong iyon, eto at ibibigay ko sa kanila.
Continue reading »

Nov 30, 2008

Wala Akong Post!

Sa totoo lang, wala naman talaga akong isusulat. Ayaw ko lang na matatapos ang buwan, ni wala akong entry kahit isang post, me kwenta man o wala. Ampangit tingnan sa archives na may buwan na nalaktawan. Kaya eto post lang kahit ano.
Continue reading »

Sep 18, 2008

Birthday Ko Ngayon…. Eh Ano Naman?

Halos mahigit isang linggo na ang lumipas mula nung nakaraang Wordcamp kung saan sabi ko ay gagawa ako ng blog post pero magpahanggang ngayon at ni isang draft ay wala akong nagagawa. At ngayon pa ba naman ako gagawa?

Ito ang aking espesyal na araw, dahil sa araw na ito, ipinanganak ang taong babago sa kasaysayan ng bansang Pilipinas. Sino pa, edi ako? Tama, kaarawan ko ngayon at masaya akong haharapin ang panibagong taong ipinagkaloob sa akin ni Lord.

Pagkagising ko sa umaga, nakatutok na ang tenga ko sa eRadioPortal (wala kaming radyo kaya sa Internet ako nakikinig ng balita) upang makinig sa DZRH. Kung hindi ninyo naitatanong, isa ito sa mga mahihilig bumati sa mga may kaarawan tuwing September 18. Bakit kanyo? Dahil ang alamat ng istasyon na si Joe Taruc ay nagdiriwang din ng kaarawan sa araw na ito. At para siguradong walang makakalimot bumati sa akin, kahit na pangkalahatang bati lang, tumutok na ako sa radyo ng talagang may makaalala.
Continue reading »

Incoming search terms:

  • pasasalamat sa pagbati sa aking kaarawan
  • pasasalamat sa pagbati sa kaarawan
  • maraming salamat sa mga bumati sa kaarawan ko
  • maraming salamat sa pagbati sa birthday ko
  • nagpapasalamat sa pagbati sa akin ng happy bday
  • pasasalamat sa mga bumati sa aking kaarawan
  • pasasalamat sa mga taong bumati sa iyong kaarawan
  • pasasalamat sa nakaalala sa kaarawan
  • salamat sa lahat ng nakaalala sa kaarawan
Sep 2, 2008

‘Ber Season Na!

Ambilis nga naman ng paglipas ng panahon. Halos simbilis ng metro ng taxi ang paglipat ng mga petsa ng kalendaryo. Parang kahapon lang ay naihi ako sa salawal sa tindi ng takot sa titser ko. Tapos ngayon eto at natuturete na ako sa darating ng Licensure Examinations for Teachers. Bat ko nga ba kasi nakuha pa ito, unang una, sa panahon ngayon, wala naman akong balak na magturo sa makukulit na tsikiting. Baka sa halip na matuto sila, magulpi sila! Sa mga nagnanais na kumuha ng LET, lalo ang mga hindi naman nakatapos ng Education…. Belat! 30 units na ang kailangan ninyo para makakuha ng exam.

Napansin ko lang, bat ang intro ko, wala man lang koneksyon sa titulo ng post ko. Nagtataka rin nga ako eh!
Continue reading »

Aug 15, 2008

SEO mong MOA mo!

Halos mag-isang buwan din pala akong hindi nakakasulat dito. Sa totoo lang, marami naman akong mga dapat na isusulat nung mga nakaraang araw, kaso lang marami talagang ginagawa at isa pa, hindi ko alam kung paano pa isisingit sa oras ko itong pagpost sa blog na ito. Tatlo ang trabaho ko, at kung tatrabuhin ko pa ang pagsusulat dito, malamang sa ospital na ako pulutin. Pero dahil na rin sa pakiusap ng ilang kakilala ko na ilagay ang mga larawang hinihintay nila, ilalagay ko na rin yun sa isang blog post ng may magbasa naman ng blog na ito, hehe.
Continue reading »

Jul 14, 2008

Leoneil C. Maranan, EnP

Nakakapanibago… Yan ang tatlong letrang nakakabit sa pangalan ko dahil sa isang pangyayari nung nakaraang buwan. Hanggang ngayon, kahit na natapos na ang oath taking na binalahura ko ang pag pose, hindi pa rin ganun kalinaw sa mga tao, maging sa sarili ko kung ano nga ba ang EnP. Environmental Planner, pag tinatanong ako ng mga kaibigan ko, iniisip nila sa DENR na ako magtatrabaho, yung iba naman sabi sa NEDA daw, kasi dun daw ang planning. Pero may higit pa sa lahat ng mga haka hakang yun. Hindi naman yun nakakakahon sa DENR at sa NEDA lang. Subalit sa ngayon, patuloy ko ring hahanapan ng kasagutan ang mga tanong na yun.
Continue reading »

Jul 11, 2008

Muli Na Akong Magbabalik

Bilang panimula ng aking pagbabalik, ito ang magandang paraan upang sirain ang isang okasyong inaakala ng karamihan na isang pormal. Matagal din akong nawala, napabayaan ang magpost para sa Litratong Pinoy at sa mga iba pang kailangang isulat.
rock-on.jpg

May 12, 2008

LP #6: Mahal na Ina


Ito ang mahal na ina ng aking ina, si Nanay Unic. Bagaman siyamnaput anim na taon na, di pa rin nawawalan ng pag-asa at pinanghihinaan ng loob. Kung gaano kalakas ang loob nyang mabuhay pa, ganun din kalakas ang boses niya kapag tinatawag ang pangalan ko. Dahil siya na ang pinakamatanda sa aming baryo sa Batangas, mistulang ina na rin siya ng pamayanan.
Continue reading »

Incoming search terms:

  • inaakay na lola
  • nabutas na ang medyas ang polo\y di kumupas naluma na ang cellphone maong man ay may gasgas nang dahil kay nanay sa husay niyang magsampay buhay ay nagkaroon ng kulay
Apr 29, 2008

Nubentay Sais

Naisulat ko ang tungkol kay Nanay Minya sa aking nagdaang blog post. Nung pumunta ako ng Batangas, bago pa ako lumuwas ng Maynila ay dumalaw din ako sa isa ko pang lola, si Nanay Unic (siya ang nanay ni nanay). Kung iniisip nyo bat magkakalapit lang ang bahay ng mga lola ko, third cousins si tatay at si nanay, kaya wag na kayong magtaka kung ganito man ako :) Ang daldal pa rin ni Nanay Unic, at tulad ng dati, walang sawang sinalaysay ang mga kaganapan sa buhay ko mula nung ako’y maliit pa. Maging ang mga masasayang kabataan ng mga kapatid ko ay hindi nakaligtas sa kanyang alaala. Natanong nya kung kailan ang alis ko.
Continue reading »

Pages:«123»

Archives