Halos mahigit isang linggo na ang lumipas mula nung nakaraang Wordcamp kung saan sabi ko ay gagawa ako ng blog post pero magpahanggang ngayon at ni isang draft ay wala akong nagagawa. At ngayon pa ba naman ako gagawa?
Ito ang aking espesyal na araw, dahil sa araw na ito, ipinanganak ang taong babago sa kasaysayan ng bansang Pilipinas. Sino pa, edi ako? Tama, kaarawan ko ngayon at masaya akong haharapin ang panibagong taong ipinagkaloob sa akin ni Lord.
Pagkagising ko sa umaga, nakatutok na ang tenga ko sa eRadioPortal (wala kaming radyo kaya sa Internet ako nakikinig ng balita) upang makinig sa DZRH. Kung hindi ninyo naitatanong, isa ito sa mga mahihilig bumati sa mga may kaarawan tuwing September 18. Bakit kanyo? Dahil ang alamat ng istasyon na si Joe Taruc ay nagdiriwang din ng kaarawan sa araw na ito. At para siguradong walang makakalimot bumati sa akin, kahit na pangkalahatang bati lang, tumutok na ako sa radyo ng talagang may makaalala.
(more…)
Ambilis nga naman ng paglipas ng panahon. Halos simbilis ng metro ng taxi ang paglipat ng mga petsa ng kalendaryo. Parang kahapon lang ay naihi ako sa salawal sa tindi ng takot sa titser ko. Tapos ngayon eto at natuturete na ako sa darating ng Licensure Examinations for Teachers. Bat ko nga ba kasi nakuha pa ito, unang una, sa panahon ngayon, wala naman akong balak na magturo sa makukulit na tsikiting. Baka sa halip na matuto sila, magulpi sila! Sa mga nagnanais na kumuha ng LET, lalo ang mga hindi naman nakatapos ng Education…. Belat! 30 units na ang kailangan ninyo para makakuha ng exam.
Napansin ko lang, bat ang intro ko, wala man lang koneksyon sa titulo ng post ko. Nagtataka rin nga ako eh!
(more…)
Halos mag-isang buwan din pala akong hindi nakakasulat dito. Sa totoo lang, marami naman akong mga dapat na isusulat nung mga nakaraang araw, kaso lang marami talagang ginagawa at isa pa, hindi ko alam kung paano pa isisingit sa oras ko itong pagpost sa blog na ito. Tatlo ang trabaho ko, at kung tatrabuhin ko pa ang pagsusulat dito, malamang sa ospital na ako pulutin. Pero dahil na rin sa pakiusap ng ilang kakilala ko na ilagay ang mga larawang hinihintay nila, ilalagay ko na rin yun sa isang blog post ng may magbasa naman ng blog na ito, hehe.
(more…)
Nakakapanibago… Yan ang tatlong letrang nakakabit sa pangalan ko dahil sa isang pangyayari nung nakaraang buwan. Hanggang ngayon, kahit na natapos na ang oath taking na binalahura ko ang pag pose, hindi pa rin ganun kalinaw sa mga tao, maging sa sarili ko kung ano nga ba ang EnP. Environmental Planner, pag tinatanong ako ng mga kaibigan ko, iniisip nila sa DENR na ako magtatrabaho, yung iba naman sabi sa NEDA daw, kasi dun daw ang planning. Pero may higit pa sa lahat ng mga haka hakang yun. Hindi naman yun nakakakahon sa DENR at sa NEDA lang. Subalit sa ngayon, patuloy ko ring hahanapan ng kasagutan ang mga tanong na yun.
(more…)
Bilang panimula ng aking pagbabalik, ito ang magandang paraan upang sirain ang isang okasyong inaakala ng karamihan na isang pormal. Matagal din akong nawala, napabayaan ang magpost para sa Litratong Pinoy at sa mga iba pang kailangang isulat.
