Blog a Yellow Ribbon – Salamat President Cory

August 3, 2009 by Neil  
Filed under Blog

Isa ako sa milyung-milyong Pilipino na nagdadalamhati sa pagpanaw ng dating Presidente Corazon Aquino. Saksi ako kung gaano kalaki ang naging sakrisipyo nya para sa bayang Pilipinas at kung paano nya minahal ang bayang ito. At bilang pagpupugay sa kanyang mga nagawa upang maibalik ang demokrasya at kalayaan nating mga Pilipino, nagsikap akong palitan ang “theme” ng blog na ito gamit ang kanyang paboritong kulay. Inspirado ng isyu ngayong araw ng Inquirer ang aking ginawang ito.
Read more

SEO mong MOA mo (ulit!)

December 24, 2008 by Neil  
Filed under Blog, Buhay-buhay, Internet, KitaKits

Hindi ko alam pero makailang beses ko na yatang ipinangako sa blog na ito na magsusulat ako lagi pero sa di ko rin malamang kadahilanan ay hindi ko talagang magawang regular na magpost dito. Kung ano ang nakain ko at bigla na naman akong nagsulat dito, dalawa lang ang dahilan… PASKO at SEO.

Nagkita kasi ang mga miyembro ng SEO Philippines noong Sabado. Sa katunayan nga, late na itong post ko kung tungkol rin lang sa nasabing pagtitipon ang magiging paksa ng post na ito. Pero dahil na rin sa sinabi ni Meg na marami akong fans na naghihintay basahin ang anumang isusulat ko, eto nga’t gumagawa na ako ng isusulat. Sikat eh! Bukod pa ron, karamihan sa mga nagpunta, halos gumawa na rin ng blog post, at dahil sa andun ako ng gabing yon, sa kanilang pagsasalaysay ng mga nangyari, nabigyan ako ng libreng backlink. Baka naman sabihin nila “I don’t know how to return the favor”. Totoo naman…. pero dahil malakas sa akin ang mga taong iyon, eto at ibibigay ko sa kanila.
Read more

Back to Blogging Ulit

October 30, 2008 by Neil  
Filed under Blog, KitaKits

Mahigit isang buwan na rin pala akong hindi nakakasulat dito. Mahirap sabihin na sobrang busy ako tulad ng sinabi ni korky sa huli kong post. Bagaman marami talaga akong ginagawa sa nakalipas na mga araw, ito lang naman halos ang website na hindi ko nabigyan ng panahon. Siguro dahil na rin sa wala naman talagang kinikita ang website na ito kumpara sa mga websites kong naghuhukay ng pera. Ibang motibasyon talaga ang pera, kahit mahirap bigyan ng panahon, pag alam mong kikita ka, bibigyan at bibigyan mo ng panahon.
Read more

SEO mong MOA mo!

August 15, 2008 by Neil  
Filed under Blog, Buhay-buhay

Halos mag-isang buwan din pala akong hindi nakakasulat dito. Sa totoo lang, marami naman akong mga dapat na isusulat nung mga nakaraang araw, kaso lang marami talagang ginagawa at isa pa, hindi ko alam kung paano pa isisingit sa oras ko itong pagpost sa blog na ito. Tatlo ang trabaho ko, at kung tatrabuhin ko pa ang pagsusulat dito, malamang sa ospital na ako pulutin. Pero dahil na rin sa pakiusap ng ilang kakilala ko na ilagay ang mga larawang hinihintay nila, ilalagay ko na rin yun sa isang blog post ng may magbasa naman ng blog na ito, hehe.
Read more

WordCamp Philippines 2008

July 21, 2008 by Neil  
Filed under Blog

Halos kulang kulang dalawang buwan at gaganapin na ang Wordcamp Philippines 2008 dito sa Maynila. Nung una, wala talaga akong balak dumalo dahil na rin sa dami ng trabaho ko. Pero naisip ko, ano ba naman ang mawawala kung papatusin ko ang pagkakataong ito, wala na nga akong dapat pang bayaran. LIBRE! Totoo ang nababasa ninyo, walang bayad, gratis! Ano pa ang hahanapin ko, ako na lang ang hinihintay, kaya naman nagparehisto agad ako at sana ay mabigyan ng tsansang mabigyan ng tiket. Kung wala ng upuan, pwede naman akong tumayo maghapon.
Read more

Next Page »