Mga SANA sa SONA ni PGMA ngayong 2009
Mahirap na para sa akin ang regular na magsulat sa blog na ito. Lalo na kung iisipin kong mas kelangan kong kumita ng pera kaysa umisip ng mga bagay bagay na isusulat dito na nararapat kahit papaano ay may mapulot ang mga babasa. Ang katotohanan ay hindi dapat tungkol sa SONA ang ilalagay ko, sapagkat siguradong maraming bloggers na ang naunang nagsulat dito. Pero anong magagawa ko, eto ang “in”, at sa paniniwala ko, maraming estudyante ang hahanap ng nilalaman nito dahil kailangang gumawa ng reaction paper. Ito lamang naman ang alam gawin ng maraming guro sa kanilang mga mag-aaral, at hindi na magawang umisip pa ng mga kakaibang pakulo para sa SONA.
Read more
Katrina Halili – Hayden Kho Scandal Full Download
Dalawa lamang ang maaaring dahilan bat napunta ka rito sa blog ko at binabasa ito. Maaaring dati ka ng nagbabasa nga mga nakasulat rito, o talagang dala ng matinding kaberdehan ng utak at pagnanais na mai-download ang sinasabing Katrina Halili – Hayden Kho Scandal ay napadpad ka rito. Sorry ka na lang, dahil wala rito ang hinahanap mo. Sinadya ko lamang samantalahin na magsulat tungkol sa nangungunang balita ng sambayanan upang malaman kung hanggang gaano kahilig maghanap sa Internet ang mga Pilipino ng mga ganitong isyu at usapan.
Read more
Panalo na naman si Manny Pacquiao (maging sa pera)
Sabi ko na nga ba! Si Manny na naman ang mananalo. Bagaman nagkamali ako ng hula na mahina sa boksing si Marquez, natutuwa ako at si Manny pa rin ang nanalo. Muntikan na din yun. Buti na lang at nakabawi siya sa mga rounds sa dulo. Kung nagkataon, uuwing bigo ang ating Pambansang Kamao.
Read more
Ano daw?????
Medyo luma na ito, pero bukod sa nakakatawa, nakakaalarma din. Nung una, kala ko niloloko lang ako ng kapatid ko dun sa mala-”Wow Mali” news clip ni Michael Fajatin. Hindi pala… kahit ako di ko ma-gets ng husto kung ano ibinabalita niya. Sana naman, hindi ito maging “normal” na gawain para sa mga journalists natin. Madalas sa TV, kung di nabubulol, bigla na lang uubo sa kalagitnaan ng pagbabalita. At eto ang pinakamasaklap… hindi mo talaga mauunawaan kung ano ang ibinabalita. Ang nangyari tuloy, sa halip na siya ang magbalita, siya ang naging BALITA.
Read more

