Marl
Galing kay Marl
UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
KAPENG BARAKO’S (NEIL’S) CURRICULUM
SOCIOLOGY 11 (3 Units. CSSP.) : you have to use the sociological imagination before you can fully grasp Leoneil Comia Maranan a.k.a Ninong. There is a bigger picture, understand his ways, expand your horizon. Review the critical and historical perspective, malalim ang tao na ito.
FILIPINO 128 (3 Units. CAL) : Prepare your arguments, make sure the arguments are consistent, walang sabit. Humanda ka, mabilis pandinig ng taong ito, pag na-corner ka, lagot ka! Pinakakatakutan sa grilling, kilabot ng Circa interview, malupit sa debate.—“huli ka balbon”.
PHILOSOPHY 1 (3 Units. CSSP) : “Kailangan pa ba imemorize yan?” No.1 pilosopo!! Sa bawat katanungan, ang sagot niya ay mag-iiwan ng mas malaking katanungan sa buhay ng isang tao. So if you want to find an answer and you want to consult him…Think twice…
KASAYSAYAN 1: (3 Units. CSSP) : Neil will make history!!!! (or at its best, might change the history) mula sa history ng paggawa ng meringue, donut, etc. “Eh kuya neil, paano ako ginawa?”
KOMUNIKASYON 2 (3 Units. CAL) : kailangan ang masinsinang riserts bago makilala si Ninong, parang sindikato. Magtiyaga sa pag-alam ng birthdate niya, pag-aralan ang paggamit ng quantitative at qualitative research methods. Pumili na rin ng tamang research methodology—pwedeng library research, interview (mag-ingat sa tingin niya, nakakatakot), surveys (equip yourselves with more survey forms, malaki ang network ni Ninong,parang sindikato sa dami ng koneksyon at friends!) at content analysis (ng mga naisulat niya—just visit neilathala—his frendster blog).
PSYCHOLOGY 101 (3 Units. CSSP) : sumbungan ng bayan. Handing makinig kung kailangan. Sabihin ang problema at wag mag-alinlangan. Pwedeng umiyak, tumawa o kung ano pa man pag kasama mo siya dahil pede ka naman niyng sabayan. Kakampi ng naapi: “Isumbong mo kay Leo!”
ART STUDIES 1 (3 Units. CAL): Lalabas ang talent mo with Kuya Neil dahil siya ay mula sa angkan ni Mozart, isang prodigy. Man of music—guitarist, pianist, singer, dancer, comedian, actor (action or drama), magugulat ka na lng kung ano pa ang mga magagawa niya.
MATH 11. (3 Units. CS) : Karaniwang kinatatakutan na Math subject ang Math 11—Algebra.. parang si Kuya Neil, kinatatakutan ng mga nagdaang PALS slate sa grilling. Nakakatakot magalit at magtanong…..
FIL 25. (3 Units. CAL) : Madaming ideya sa buhay, punong puno ng istilo—hindi mauubusan ng mga “quotable quote” sa mga text messages. Take note: original text niya ang mga ito, meaning siya ang sumulat, kulang na lng ay “copyright text message”.
ECONOMICS 11. (3 Units. School of Economics) : Mataas ang demand kay Kuya Neil, everyone loves him—as a friend, PALS kuya, co-worker, brother and etc.. but, just like the principle in economics, konti lang ang supply. Meaning, scarce and limited lang ang tulad ni Kuya Neil—hindi ka na makakahanap ng tulad niya. Isa lang ang kuya neil na minamahal ng PALS—walng katulad. Sakto. Mismo.
ACCOUNTING 1 (3 Units. Meron na sa NCPAG) : just like a lega financial statement, he is balance in giving viewpoints. He will not tolerate you kung mali ka. The same thing that he never condemn someone for doing so, but rather he will let you know the mistakes committed—later on na dapat baguhin.
STATISTICS 101 (3 Units. STAT.—layo). Mataas ang probability na madaming kaibigan si Kuya Neil. Hindi na kailangan ng random sampling dahil bawat sector may kaibigan cia.
PA 146—ADMINISTRATIVE LAW (3 Units. NCPAG) : “ANG BATAS”
PA 141: PUBLIC POLICY (magugulat ka na lamang sa polisiya na ipapatupad ng taong ito. Humanda sa “WALKalator” Policy in the Philippines, RA 008.









