Isang Paglalahad ng Pasasalamat
Maaaring huli na itong post na ito pero ginusto ko pa ring gawin dahil noon pang hatinggabi ng Linggo ko ito pinlanong sulatin. Noong Sabado ng gabi, iyon na siguro ang pinakamasayang pagtitipon ng PALS sa kulang kulang na dalawang dekadang kasaysayan ng partido.
Matapos ang aking pakikisalamuha sa mga naging bahagi ng PALS sa nakalipas na sampung taon, labis ang aking kasiyahang makita silang muli at magkakatipon tipon bilang isang pamilya, bagaman marami na sa kanila ang hindi na magkakakilala dahil na rin hindi na nagpang-abot pa sa NCPAG. Magkagayunman, hindi iyon naging hadlang upang ipadama ang kanilang kaligayahan ipagdiwang ang tagumpay ng PALS hindi lamang sa mundo ng college politics kundi tagumpay sa pagtahak sa buhay matapos ang napakaraming sakripisyo para makatapos ng kolehiyo.
Sa totoo lang, sapat na sa akin ang magkasama-sama ang mga tao, tutal yun din naman ang orihinal na plano. Pero mas labis ang aking kasiyahan ng makita kong wala na halos ang generation gap sa pagitan ng mga bata at ng mga matatanda, bagay na mababakas mo sa kanilang mga mukha lalo na ng makibagi ang bawat isa sa laro tulad ng Trip to Jerusalem kung saan pareho ang bilang ng upuan at ang bilang ng uupo, at sino ba naman ang makakalimot sa KepKep-Boobey na laro kung saan ang alindog ng mga Adonis ng PALS ay namalas, at ang kanilang pagiging konserbatibo para takpan ang maseselang bahagi ng kanilang katawan.
Ito ngayon ang aking pasasalamat, na nawa’y hindi kayo mabagot magbasa dahil daig ko pa ang nanalo ng acting award. Ang una kong pasasalamat ay para sa aking kabiyak na si Janielle, dahil kung hindi rin naman dahil sa kanyang pagtakbo noon at maaaring hindi ako naging kabahagi ng PALS. Salamat rin kay Arcel na walang pagod na nagtrabaho, nangulit sa mga tao, at nagtyagang maningil kahit na noon mismong event para lamang masiguradong magiging maayos ang takbo ng pagtitipon. Sa mga residente lalo na kay Inah at Jules, na madalas kong ipatawag para sabihin ang mga kailangan nilang gawin, utusan ng mga bagay bagay at hingan ng pabor. Salamat kina Jeff and Jen na nagbigay ng kanilang oras upang buuin at pagplanuhan ang konsepto ng pagtatayo ng Alumni Association. Maraming salamat sa mga nagbigay ng sobra sobrang pera, higit pa sa hiningi mula sa inyo upang maisakatuparan ang ating homecoming. Hindi ko na kayo iisa-isahin dahil marami pang dumagdag at hindi ko namonitor lahat yun, baka may makalimutan lamang ako. Pero mula sa kaibuturan ng aking puso, salamat sa lahat ng pumunta, ng nagbalak pumunta, ng hindi nakapunta, at sa lahat ng naging bahagi ng PALS sa nakalipas na mga taon, maraming salamat. Patuloy nyong pinatutunayan na hindi na tayo ang PALS na kawawa at mistulang naghahabol lagi sa konseho. PALS na ang laging nagwawagi, dahil tayo, tayo ang naghaharing uri, sa loob at labas ng mundo ng NCPAG politics.
Kahit kailan, ang PALS ay mananatiling PALS sa buhay ko. At kung mayroon mang mga rason para sabihin ko ang dahilan, kulang, kulang ang bawat pahina ng blog na ito upang ilahad ko ang lahat ng iyon. Nawa’y kahit sa isang talata ay maipahayag ko ng lubos ang mga sinasabi kong dahilan.
PALS is not just a party, it is a family. It is an extraordinary family though. It’s a synergy of individuals who believe in THE POWER OF DREAMS. When you’re with PALS people, there is always SOMETHING SPECIAL IN THE AIR. It’s because we at PALS have the talent for CONNECTING PEOPLE. We THINK DIFFERENT. We KEEP WALKING and learning. We value QUALITY IN EVERYTHING WE DO and we believe in THE ART OF PERFORMANCE. WE MOVE THE WORLD because WE BRING GOOD THINGS TO LIFE. We don’t have to brag our plans and achievements, we JUST DO IT. We are capable of TURNING DREAMS INTO REALITY by MAKING GREAT THINGS POSSIBLE. PALS people are indeed SIMPLY AMAZING. Ito ang SAMAHANG WALANG KATULAD… Ang Practice of Administrative Leadership and Service (PALS). ITO ANG TAMA. SAKTO. LOVE ‘KO TO!
Incoming search terms:
- pasasalamat
- Paglalahad
- pagsulat sa paglalahad




