National Bloggers Association: Pagtingin ng Isang Blogger (Kuno)
Nitong mga nakaraang araw, naging laman ng mga blogs sa Internet ang diskusyon ukol sa pagtatayo ng National Bloggers Association. Nung una ko itong mabasa, akala ko ay magkakaroon ng paliga ng blogging, kung saan magkakalaban ang bawat probinsya sa Pilipinas.
Ginawa ko ang post na ito upang magsilbing boses ko hinggil sa isyu. Sa totoo lang, hindi ko pa nababasa ang sinasabing manifesto, o ang panayam na naganap sa mga taong nagsusulong upang mabuo ito. Mas nanaisin kong magbigay ng isang kaisipan base sa kung ano ang unang maglalaro sa aking utak (maliban sa paligang naisip ko) sa sandaling malaman ko ang ideya ng isang organisasyon ng mga bloggers.
Maganda ang layuning bumuo ng samahan ng mga bloggers…
Ngunit hindi ito dapat ang opisyal na kakatawan para sa bloggers ng Pilipinas. Mas maganda sigurong iba na lang ang ipangalan. Hindi dapat encompassing. Ang boses ng samahan ay maaaring hindi boses ng pangkalahatan o ng karamihan. Ako man ay maaaring sumali sa mga ganitong samahan, pero paano pag hindi ako sumali, hindi na rin ako kasama sa sinasabing bloggers? Sabagay, bibihira naman akong magblog, at madalas pa nga, “bayad” ang mga ito ng mga kumpanya sa Amerika. Hindi ko tuloy masabi na ako ay talagang full-pledge blogger. Ako man ay naniniwalang ang mga samahang ganito ay makatutulong upang lalong mapagyabong ang blogging bilang isang libangan, propesyon, hanapbuhay, at maging instrumento upang baguhin ang lipunang ating ginagalawan.
Ang mga mamumuno rito…
ay wala dapat hinahawakang interest na may kinalaman sa blogging o mga negosyong kadalasan ay kasama ang mga bloggers sa kanilang operasyon. Bakit ko nasabi ito? Dahil ako ay nangangambang baka magamit ang ganitong mga samahan upang isulong ng mga mamumuno ang kanilang mga personal na interes para lalong kumita ng salapi. Wag nawang pagkakitaan ng pera ang mga bloggers sa ganitong samahan.
Pamantayan ng blogging…
Magandang ideya ito dahil ito’y magsisilbing salamin ng mataas na kalidad ng mga sinusulat ng bloggers sa Pilipinas. NGUNIT dapat pag-aralan itong mabuti sapagkat ito rin ang maaaring sumikil sa karapatan ng bawat isang ipahayag ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng blog. Paano kung mataas ang pamantayan sa grammar, o disenyo ng blog, o dapat nilalaman ng blog? Kung ganito ang mangyayari, ang blogging ay mas papabor sa mga may-aral, may perang bumili ng blog (domain, hosting, themes), magagaling magsulat. Ang isang ordinaryong Pilipino ay hindi dapat mawalan ng puwang sa mundo ng blogging hindi man niya maabot ang mga pamantayang iyon.
Sa pangkalahatan, ako ay pabor sa pagkakaroon ng samahan ng mga bloggers sa Pilipinas, pero maraming bagay ang dapat isaalang-alang bago ito isulong. Hindi ako sasali rito ng biglaan para lamang maging founding member. Sasali ako rito dahil naniniwala akong malaki ang maitutulong nito upang mas maging maayos ang kapakanan ng karamihan, hindi ng iilan.
Kung maisusulong ito, maaaring ito ang maganap sa hinaharap:
- Magiging professional na talaga ang mga bloggers – magkakaroon ng Board of Professional Blogging sa ilalim ng PRC na siyang gagawa ng exam para sa Professional Bloggers. Pag pumasa ako, ito na ang magiging pangalan ko – Leoneil C. Maranan, PB <- parang patay na bata lang.
- Dahil profession na ito, magbabayad na ang lahat ng bloggers na nasa kategoryang “commercial bloggers” ng buwis sa BIR, at kailangang magbigay ng resibo sa bawat kikitain ng bloggers tulad ng sa Nuffnang.
- NBA Partylist – hindi na sapat ang palobby lobby na lamang sa Kongreso. Bakit kailangang maglobby kung kaya maaaring ikaw ang gumawa ng batas?
Kayo ano sa tingin nyo?





tax talaga ang kinakatakot ko dito. may tax na nga akong binabayaran sa freelance writing at editing ko for a local company, pati blogging ba naman? eh hindi naman lahat ng posts ko bayad.
kahit naman mangyari yang tax na yan, mahihirapan ang pamahalaang habulin ang mga taong lalabag dyan. yung mga naninigarilyo nga sa jeep di nila masawata, yun pang hindi naman nakikita ng personal?
Ano ba talaga ang rason nung mga nag babalak itayo ang samahang ito? Kung maganda ang rason bakit hindi? Pero kung ang rason nila ay para sa personal nilang interest lamang palagay ko mali ang pundasyon ng samahan.
Pero kung ang talgang layunin ng samahang ito ay para matulungan at maingat ang kalidad ng mga Pilipino Blogger sa palagay ko walang masama at susupurta ako ng walang inaasahang ano pa man.
Dapat linawin ng mga nagsusulong nito kung ano ba talaga ang balak nila, at dapat hindi sila self declared as founder of the Organization. Dapat may convention para pag-usapan ng masinsinan ang planong ito. Kapag sinabi nating National ibig sabihin buong bansa hindi lang iilan ang mag dedisisyon at mag sasabing yun na ang napag pasyahan ng mga blogger sa buong pilipinas.
tama ka dyan ed, at mas nanaisin kong magkaroon muna ng isang pagtitipon halimbawa, kung san libreng makakapunta ang mga bloggers at saka sa pangkalahatan, ilulunsad ang pagtatayo ng bagong organisasyon
What sort of a bloggers organization?…
This is only a proposal, and still very informal as it hasn’t even been decided yet whether or not to go ahead with the plan to institute a Filipino bloggers’ association. The purpose of my writing this is to attempt to dispel any notion th…
Agree ako sa lahat ng puntos, bosing!
thanks ate. check mo kaya yung IP mo, asa spam kaya itong comment mo kaya ngayon ko lang naapprove, naisip ko lang icheck yung spam. baka blacklisted ng akismet kaya?
Pinakakinatatakot ko talaga yung taxes. Dahil treated tayo as professionals, 10% ng kita natin ang kukunin ng batas.
wag kang matakot sa tax roth, matakot ka pag hindi ka na magrank
Umusbong naman ang blogging ng walang governing body e.
Magaganda ang mga puntos mo bosing! Halimaw ka talaga magisip hehehe. Kapag may lisensya na ang blogging, 3 na ang PRC ids mo, astig!
Seriously, I like the points you presented about the idea of having a PBA or an NBA.