Aug 7, 2009

Walang Paggalang…

Bagaman nakakataba ng puso at nakakagaan ng kalooban ang ipinakitang pagkakaisa at pagkamakabayan ng mga Pilipino sa panahon ng pagkakasakit ni Presidente Cory, hanggang sa kanyang kamatayan at paglilibing, hindi pa rin nawawala iyong walang pakiramdam at mistulang manhid sa damdamin ng buong bayan.

Tulad na lamang ng blog post na nasa baba, ito’y kuha na lamang o yung tinatawag na “screenshot” dahil binura ng nagsulat sa kanyang blog ang nauna nyang naisulat (hindi nya siguro nakayanan ang galit ng mga nagmumura sa blog nya, kaya inalis na lamang). Hiling ko ay nabuhay na lamang sana ang batang ito noong panahon ng Martial Law ng mas malaman nya ang mga sinasabi nya.
1


Ito naman diumano ang bracelet na sinasabing ipinamimigay noong lamay ni President Cory Aquino, ito siguro ang dahilan kaya galit si Jim Paredes kay Sen. Jamby sa twitter post nya. Kung totoong nangyari ito, isa itong kalapastanganan hindi lamang sa dating pangulo ngunit lalong lalo na sa taumbayan na matyagang naghintay upang masulyapan sa huling pagkakataon ang haligi ng ating demokrasya.

1 Comment

  • kahit ano man ang mangyari, di naman mananalo yan. ito ay malinaw na nagpapatunay na walang maidudulot si jamby kung hindi pamumulitika lamang.

Leave a comment

Archives