Katrina Halili – Hayden Kho Scandal Full Download

May 22, 2009 by Neil  
Filed under Balita

Dalawa lamang ang maaaring dahilan bat napunta ka rito sa blog ko at binabasa ito. Maaaring dati ka ng nagbabasa nga mga nakasulat rito, o talagang dala ng matinding kaberdehan ng utak at pagnanais na mai-download ang sinasabing Katrina Halili – Hayden Kho Scandal ay napadpad ka rito. Sorry ka na lang, dahil wala rito ang hinahanap mo. Sinadya ko lamang samantalahin na magsulat tungkol sa nangungunang balita ng sambayanan upang malaman kung hanggang gaano kahilig maghanap sa Internet ang mga Pilipino ng mga ganitong isyu at usapan.

Kung download link ang gusto mo, hindi rito. Maaaring sa mga blogs na kelangang kumita ng malaking pera sa pamamagitan ng pagkaladkad kay Katrina mo makita ang video scandal na iyong hinahanap. Nais ko lamang magbigay ng ilang pahayag sa kung ano ang aking opinyon sa naganap na pangyayari.

Katrina Halili
Bagaman nakakaawa at gusto kong damayan siya sa kanyang pagdadalamhati, parte pa rin siya ng naganap at dala na rin ng pagkamapusok at kapabayaan, bumalik sa kanya ang epekto ng kanyang ginawa. Sa kanya na rin naman nanggaling sa isang panayam sa kanya, na siya’y TANGA. Hindi na dapat pahabain pa ang pahayag na iyon. Nawa’s magsilbing aral hindi lamang sa kanya, kundi maging sa lahat ng Pilipino ang nangyari sa kanya.

Hayden Kho
Hindi ko alam kung dapat pa bang kaawaan ang taong ito. Sa dami na rin ng mga babaeng nakatalik nya at naivideo pa nya, dapat na nga sigurong patingnan ang diperensya ng taong ito. Oo nga, people do sex for a variety of reasons. Pero di naman sya pornstar, sampu ng mga babaeng naikama nya. Kahit pa sinasabi nyang wala siyang kinalaman sa paglabas ng mga nasabing videos, kung hindi nya sana naivideo yun, wala na sanang lalabas pa, at masisira ang buhay.

Mga Pulitiko
Aasahan ko na ang mga pulitikong nagkakandarapa upang sagipin si Katrina . Ayan na ang 2010, kelangang bumango ang mga pangalan, kahit na mismong sa sarili nila, hindi nila kayang sabihin na namumuhay sila sa moralidad. Hindi na ako magtataka kung pagdating ng eleksyon sa susunod na taon, ang mga tatayo sa kampanya ay ang mga tulad ni Katrina kasama ang iba pang dilag na nabiktima ni Hayden Kho.

Mga Pilipino
Marami bagay ang mas karapat dapat na gawin kesa panoorin ang kangkangan ni Katrina at Hayden Kho. Kung naiisip nyo na isang pagsasayang ng oras ang pagbabasa ng blog ko, ayos lang. Di anman ako namimilit. Pero higit na pagsasayang ng oras ang paghahanap ng video na kung idadownload ang file ay napakatagal, at pagkatapos mong panoorin ay masasabi mo lang na “si katrina nga”. Mas maraming kapakipakinabang na pwedeng gawin kesa hanapin ang video.

Aral: Wag makipagsex kung kani-kanino, kundi sa asawa lamang. Yun ang pinakasafe. Maeskandalo ka man, asawa mo pa rin yun at hindi kung sino sinong nadala lamang sa kurutan. Hindi mo masasabi ano ang maaaring maganap sa hinaharap. Magaling na ang nabubuhay sa tama.

Comments

2 Comments on "Katrina Halili – Hayden Kho Scandal Full Download"

  1. Sir Jess on Mon, 1st Jun 2009 2:51 pm 

    Hi Neil galing mo dami mong naiisip na kaka iba.Keep it up.Congratulations!!!!

  2. joseph on Tue, 25th Aug 2009 1:52 pm 

    bsta ako uunahin ko ang sex bago ung pag aaral ko kac mas masarap ung makipag sex

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!