May 11, 2009

Kasal, Kasali, Kasalo

Parang hindi ko na alam kung kailangan ko pang mangako na laging magsusulat dito. Halos mahigit ng isang buwan mula nung huli akong maglagay ng tungkol sa buhay-buhay ko. Medyo naging abala nung nakaraang buwan kaya eto, ngayon pa lang nakakabawi sa kabila ng napakarami pa ring trabaho.

KASAL
Ano na ba ang nangyari? Ikinasal lang naman ako…. Tama, ikinasal at di isinakal tulad ng sinasabi ng iba. Matapos ang labing-isang taon ay natupad rin ang pangarap namin na aking kabiyak na maikasal. Pero sa ngayon, civil wedding na lang muna at isusunod na lang namin ang sa simbahan. Sobrang simple ng naging kasal namin. Halos walang naging bisita kahit na mga malalapit naming kamag-anak. Buti na lamang at napakiusapan ko si Mayor Mon Ilagan na magkasal kahit na Linggo ng Pagkabuhay nun. Close eh =).

Ang honeymoon get-away??? —> BAGUIO! Hindi rin namin kasi kaya pang gumastos ng husto para sa mas malayong lugar (kung kasal nga nagtipid, eto pa?) At alam nyo bang sa kabila ng edad ko ay noon lang ako nakapunta ng Baguio??? Isang malaking KATOTOHANAN. Kaya sobrang appreciate ko yung lugar kahit na madalas akong sumpungin ng rayuma ko sa sobrang lamig.

Pictures??? – ipopost ko na lang dito kapag napaliit ko na sa Photoshop yung size.

KASALI
Bilang isang blogger, ako’y nakisali sa 5th Iblog Summit sa Diliman noong Sabado, at doon at nakilala ko ang mga miyembro ng SEO.PH na si Dexter at Melvin. Naroon din ang butihing mag-asawa ni Pastor at Jennie, na ipinakilala sa akin si Rochelle, ang bago nilang “recruit” sa mundo ng blogging. Hindi na ako nagdala ng camera, dahil alam ko namang maraming magdadala at makikikuha na lang ako ng mga larawan kapag nagpost na rin sila sa kanilang mga blogs.

Maraming mga napag-usapan sa summit. Bagamat ang ibang mga paksa ay alam ko na rin naman, nakakatuwang marami kang mas makikilalang tao na ang panalangin ko ay magtyaga rin sa pagbabasa ng blog na ito.

KASALO
Ako ay kasalo ng milyong-milyong Pilipino na nagbunyi sa panalo ni Pacquiao sa laban nya kay Ricky Hatton. Bagaman wala kaming cable tv, ako’y mapalad na mapunta sa iba’t ibang websites na nagpapalabas ng live coverage ng laban. Hindi nga ako nagkamali sa aking prediksyon na mananalo si Manny laban kay Ricky. Hindi ko ito sinasabi dahil Pilipino ako kundi dahil kita ko sa kanila kung sino talaga ang may kakayahang magpatumba sa kalaban. Si Ricky… puro yabang lang, tulad rin ng trainer nyang si Mayweather. Kung titingnan mo nga si Mayweather after ng pagkatalo, parang kulangot na ipinahid sa pader. walang katorya torya, samantalang nung mga araw na bago pa ang laban, saksakan ng yabang. At kung sinunod rin ng mga Briton ang sinabi ni Hatton na ibenta ang mga bahay nila at ipusta sa kanya, malamang mas mahirap pa ang Britanya kaysa Pilipinas ngayon.

Hanggang dito na lang muna, blanko lang talaga ako ngayon. Maraming bayarin at walang pambayad…

1 Comment

  • congrats to you guys on your wedding!!! :-)

Leave a comment

Archives