Ang Bonus ko Noong Pasko

January 8, 2009 by Neil  
Filed under Buhay-buhay

Ako’y kawani ng gobyerno, at kahit kailan, hindi ko ito ikinahiya. Sa katunayan, ito ay ipinagmamalaki ko. Kahit na sa katiting na sweldo, sinisikap kong paglingkuran ang taumbayan sa abot ng aking makakaya.

Dati, dahil na rin sa pagiging breadwinner, parang di ako nagdalawang isip pa na wag nang pumasok sa seminaryo, dahil na rin sa “vow of poverty.” Pero ang lumalabas, ganon din pala ang daranasin ko sa aking pagpasok sa gobyerno. Kaya ako lalong nag-aalburuto, me bonus kasi noong panahon ng Kapaskuhan. Sampung libo raw. Mantakin mong P7,500 na lang ang nakuha ko, kasi raw may tax na P2,500. Bagaman ako ay matamang nagbabayad ng buwis, at para sa akin ay isa itong obligasyon, parang hindi ko lamang nagustuhan na maging ang bonus na ito at lalapatan pa nito. Pwede namang gawing Christmas allowance para wala na lang buwis. Masakit kasing isipin na sa kabila ng mga taong tapat na naglilingkod sa taumbayan, nandyan pa rin ang mga nagpapasasa at nakahiga sa kayamanan bunga ng pagkagahaman sa salapi at kasikatan. Buti pa nga ako, dahil etong bonus ay talagang bonus sa akin. Paano na lamang ang ibang taong ito ang inaasahang magagamit nila sa mga susunod na araw, hindi bat isang kadustaan ang sila’y lalong pahirapan? Isipin nyo…

Nga pala, wala akong magawa noong isang araw, kaya gumawa ako ng “fan account” sa Facebook. Tutal sabi naman ng aking regular na mambabasa na si Meg ay may mga lupon daw ako ng tagahanga, umaasa akong maaawa silang maging tagahanga ko sa Facebook. Ikaw, trip mo ba maging tagahanga ko? Click lang dito.

Comments

4 Comments on "Ang Bonus ko Noong Pasko"

  1. Maldita on Mon, 19th Jan 2009 12:26 pm 

    lupon talaga ha.. hehehe.. sige.. for sure mababasa nila itong post mong ito.. hintayin mo na lang na mabaha ng taga hanga ang facebook mo.. teka, ako na nga din… :)

  2. bharoos on Wed, 21st Jan 2009 8:30 am 

    isa rin ako sa mga tagahanga mo….

  3. Millionaire Acts on Thu, 12th Mar 2009 9:01 am 

    Naks, tagalog na tagalog ha…

  4. Millionaire Acts on Thu, 12th Mar 2009 9:04 am 

    Ako’y natutuwa at may isang taong nagpapahiwatig ng kanyang sariling mga kuru kuro at kaisipan sa pamamaraan na ganito. Ito ay isang huwaran na halimbawa upang lalo pa nating maipadama sa ating mga mambabasa na tayo ay isang tunay na makabayang pilipino.

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!