Ang May-Akda

Pilipino. Maginoo. Simpleng tao. Makamasa pero hindi kandidato.

Ang Blog

Ang blog na ito ay naglalaman ng kung anu-anong maisipan kong ilagay. Maaaring sabog at walang pagkakaugnay-ugnay ang nakasulat. Patnubay ng kasintahan ang kailangan.

    Back to Blogging Ulit

    Mahigit isang buwan na rin pala akong hindi nakakasulat dito. Mahirap sabihin na sobrang busy ako tulad ng sinabi ni korky sa huli kong post. Bagaman marami talaga akong ginagawa sa nakalipas na mga araw, ito lang naman halos ang website na hindi ko nabigyan ng panahon. Siguro dahil na rin sa wala naman talagang kinikita ang website na ito kumpara sa mga websites kong naghuhukay ng pera. Ibang motibasyon talaga ang pera, kahit mahirap bigyan ng panahon, pag alam mong kikita ka, bibigyan at bibigyan mo ng panahon.

    Sa nakalipas na apat ng linggo, tatlong kasalan sa mga kakilala ko ang naganap - kay Jen at Peds, kay Kitch at Joseph, at siyempre sa brando kong si Noah at si Cathy. Hindi ako nakarating sa naunang dalawang kasal. Pero sa kasal ni Noah at ni Cathy, masaya ako at marami kami sa barkada na andun, kasama ko rin si Kumander. Sa hulihan ng blog post na ito, ilalagay ko ang mga larawan na kuha nung kasal, kasama na rin pala ang mga kuha nung kaarawan ni Adelle, ang maybahay ng isa ko pang brandong si Ryan.

    Nga pala, nung September 28, kumuha rin ako ng Licensure Examination for Teachers, or yung tinatawag na LET. Hindi naman sobrang hirap ng exam, bagaman nung bandang una at mistulang natuyo ang mga brain cells ko dahil na rin sa hindi pala pupwede ang nadala kong calculator. Ayun at para akong bumalik sa Panahon ng Lumang Bato at mano-mano kong sinagutan ang mga tanong sa matematika.

    Yang burado sa itaas, yan talaga ang isinulat ko ng nakalipas na araw para sa blog post na ito, pero kumbaga sa pagkain, napanis na ang mga gusto kong isulat. Sa totoo lang, tinatamad pa rin akong magpost ng kahit ano para sa araw na ito. Nataon lamang na matatapos na buwan at kahit isa, wala man lang akong nailagay na post. Ayaw ko ng ganun, dahil na rin mababakante ang buwan ng Oktubre. Di bale ng walang kwenta ang post, basta me laman, tutal wala rin namang nagtityagang magbasa.

    Bukas nga pala, muling magkikita kita ang mga batikang kasapi ng SEO Philippines sa may Timog. Siguradong aalembong na naman si Almer sa kanyang mga killer moves at si JayL naman ay matutuwa sa mga matututunan niya kay Almer.

    Kung ano man ang mga matututunan ko bukas, babalitaan ko na lang kayo. Siguradong babaha ng kaalaman tungkol sa pagkakaperahan ang usapan. Kung nais nyong dumalo, iclick ang link na ito.

    2 Responses to “Back to Blogging Ulit”

    1. korky Says:

      ano yung nabalitaan namin ni ei na ikakasal ka na daw?

    2. Melvin Says:

      ano kamo ikakasal kna? pare simula’t sapol pagkabata ntin eh magkasama na tayo, eh mukhang ako pa ang paglilihiman mo nyan brando hehehe!

    Leave a Reply

    Recent Readers. These are the cool and trendy people that reads my blog!Recent Readers

    El BrandoNoah-Cathy Wedding (The Brandos' Toast)Noah-Cathy Wedding (The Brandos)IMGP1416IMGP1440