‘Ber Season Na!
Ambilis nga naman ng paglipas ng panahon. Halos simbilis ng metro ng taxi ang paglipat ng mga petsa ng kalendaryo. Parang kahapon lang ay naihi ako sa salawal sa tindi ng takot sa titser ko. Tapos ngayon eto at natuturete na ako sa darating ng Licensure Examinations for Teachers. Bat ko nga ba kasi nakuha pa ito, unang una, sa panahon ngayon, wala naman akong balak na magturo sa makukulit na tsikiting. Baka sa halip na matuto sila, magulpi sila! Sa mga nagnanais na kumuha ng LET, lalo ang mga hindi naman nakatapos ng Education…. Belat! 30 units na ang kailangan ninyo para makakuha ng exam.
Napansin ko lang, bat ang intro ko, wala man lang koneksyon sa titulo ng post ko. Nagtataka rin nga ako eh!
Setyembre na… at para sa akin, ito na marahil ang buwan na pinakamarami ang magdiriwang na kanilang kaarawan. Mapatrabaho o eskwelahan, ito ang madalas kong napapansin. Dito nabuo ang teorya ko na talagang malamig pag Disyembre. Marami ang nabubuntis, at matapos ang siyam na buwan! Bingo! Setyembre papatak ang kaarawan ng walang malay na nilalang!
Maiba naman tayo, bakit daw wala man lang Google Adsense itong blog ko na ito. Por Diyos por santo! Halos nga lumuhod ako sa harapan ng mga tao para basahin ang blog ko, lalagyan ko pa ng Google Adsense, baka after 11 years, di na uso Adsense saka lang may magnasang magclick man lang. Saka ginawa ko itong blog hindi para pagkakitaan, kundi para magkaroon ako ng paraan upang maisulat ang mga bagay na pilit kumakawala sa aking isipan. Kung pagkakakitaan rin lang naman, marami pang paraan diyan. Sige mamyang gabi, tatambay ako sa may Quezon Circle.
Sa mga nagdiriwang at magdiriwang ng kanilang kaarawan sa madaling sabi… Sa mga nabuo sa lamig ng panahon ng Kapaskuhan, isang pagbati ang hatid ko sa inyong lahat!





Grabe makata ka tlaga kuya! Advance happy birthday Neil! Nakaka aliw naman dito sa blog mo. Salamat at in-update mo na. Kung di ka pa nag-comment sa blog ko hindi ko pa malalaman na ng update ka na after 10 years! As for the LET, I’m sure you’ll pass if not ace it. Kaw pa, idol!
umeexena nan yang tagalog moh..
pero cute naman..aylabeet..nxt taym gua ka uyet maganda..