Birthday Ko Ngayon…. Eh Ano Naman?
Halos mahigit isang linggo na ang lumipas mula nung nakaraang Wordcamp kung saan sabi ko ay gagawa ako ng blog post pero magpahanggang ngayon at ni isang draft ay wala akong nagagawa. At ngayon pa ba naman ako gagawa?
Ito ang aking espesyal na araw, dahil sa araw na ito, ipinanganak ang taong babago sa kasaysayan ng bansang Pilipinas. Sino pa, edi ako? Tama, kaarawan ko ngayon at masaya akong haharapin ang panibagong taong ipinagkaloob sa akin ni Lord.
Pagkagising ko sa umaga, nakatutok na ang tenga ko sa eRadioPortal (wala kaming radyo kaya sa Internet ako nakikinig ng balita) upang makinig sa DZRH. Kung hindi ninyo naitatanong, isa ito sa mga mahihilig bumati sa mga may kaarawan tuwing September 18. Bakit kanyo? Dahil ang alamat ng istasyon na si Joe Taruc ay nagdiriwang din ng kaarawan sa araw na ito. At para siguradong walang makakalimot bumati sa akin, kahit na pangkalahatang bati lang, tumutok na ako sa radyo ng talagang may makaalala.
Continue reading »
Incoming search terms:
- pasasalamat sa pagbati sa aking kaarawan
- pasasalamat sa pagbati sa kaarawan
- maraming salamat sa mga bumati sa kaarawan ko
- maraming salamat sa pagbati sa birthday ko
- nagpapasalamat sa pagbati sa akin ng happy bday
- pasasalamat sa mga bumati sa aking kaarawan
- pasasalamat sa mga taong bumati sa iyong kaarawan
- pasasalamat sa nakaalala sa kaarawan
- salamat sa lahat ng nakaalala sa kaarawan
‘Ber Season Na!
Ambilis nga naman ng paglipas ng panahon. Halos simbilis ng metro ng taxi ang paglipat ng mga petsa ng kalendaryo. Parang kahapon lang ay naihi ako sa salawal sa tindi ng takot sa titser ko. Tapos ngayon eto at natuturete na ako sa darating ng Licensure Examinations for Teachers. Bat ko nga ba kasi nakuha pa ito, unang una, sa panahon ngayon, wala naman akong balak na magturo sa makukulit na tsikiting. Baka sa halip na matuto sila, magulpi sila! Sa mga nagnanais na kumuha ng LET, lalo ang mga hindi naman nakatapos ng Education…. Belat! 30 units na ang kailangan ninyo para makakuha ng exam.
Napansin ko lang, bat ang intro ko, wala man lang koneksyon sa titulo ng post ko. Nagtataka rin nga ako eh!
Continue reading »




