Ang May-Akda

Pilipino. Maginoo. Simpleng tao. Makamasa pero hindi kandidato.

Ang Blog

Ang blog na ito ay naglalaman ng kung anu-anong maisipan kong ilagay. Maaaring sabog at walang pagkakaugnay-ugnay ang nakasulat. Patnubay ng kasintahan ang kailangan.

    Kumikita Nga Ba?

    Isang beses, tinanong ako ng kaibigan ko kung mayroon nga daw bang kabuhayan sa Internet? Ang sabi ko depende, kasi tulad din ng ibang negosyo, nasa tao yan, nasa pagsisikap at minsan may halong swerte.

    Ang totoo…. wala! Nambobola lang ako, gusto ko lang kasing mapabilib ang mga tao para mas lumabas akong kapanipaniwala. Authority ‘ika nga, e sa marami kong alam pagdating sa World Wide Wait este Web pala. Isang pagsasayang lang ng panahon ang pagtuunan ng pansin ang pagsubok na kumita o gumawa ng kabuhayan sa Internet. Mas kikita pa siguro ako sa pamumulot ng basura kaysa magdumilat maghapon sa harap ng monitor at makipaglandian sa mga tao upang basahin man lang ang blog na ito, na kung gaano ako kadalang magsulat at ganun din kadalang dumating ang mga bisita upang ialay ang ilang segundo ng kanilang buhay upang basahin ang mga tirada ko rito.

    Ngayon, kung tatanungin uli ako kung pwede bang kumita sa Internet, isang nagdudumilat na HINDI ang isasagot ko. Eh wala ngang kapag-a-pag-asa, magsasayang lang kayo ng oras.

    Ganun talaga, kahit baligtarin nyo ang sikmura ko, malamang yun pa rin ang isagot ko.

    Nga pala, trip ko rin lang magsinungaling ngayon…

    4 Responses to “Kumikita Nga Ba?”

    1. SmokeScreen Says:

      Astig! kikita ka nga kahit papaanu, kasi ako meron naman kahit cents pa lang. hehe. Just like any business, you need to have a demand for you product or service. If we are talking of blogging, we need to have a market -i.e. they are the faithful readers of your site. They would be the one (from now and then) to open your artcles and be enticed with the advertisers posted in the site. Like any regular TV channels, advertisers are crucial to create money.
      Totoo!

    2. Peejay Toribio Says:

      Ang kulit mong magsulat. Two thumbs up!

    3. Peejay Toribio Says:

      C Peejay to hubby ni dea_tabs Paki add na lang ako

    4. barangaybrando Says:

      hayop ka brando, pinaikot mo mga ulo nmin hahahaha! sabi na nga ba, may mga biglang banat na ganyan eh hahahaha!

    Leave a Reply

    Recent Readers. These are the cool and trendy people that reads my blog!Recent Readers

    El BrandoNoah-Cathy Wedding (The Brandos' Toast)Noah-Cathy Wedding (The Brandos)IMGP1416IMGP1440