Aug 15, 2008

SEO mong MOA mo!

Halos mag-isang buwan din pala akong hindi nakakasulat dito. Sa totoo lang, marami naman akong mga dapat na isusulat nung mga nakaraang araw, kaso lang marami talagang ginagawa at isa pa, hindi ko alam kung paano pa isisingit sa oras ko itong pagpost sa blog na ito. Tatlo ang trabaho ko, at kung tatrabuhin ko pa ang pagsusulat dito, malamang sa ospital na ako pulutin. Pero dahil na rin sa pakiusap ng ilang kakilala ko na ilagay ang mga larawang hinihintay nila, ilalagay ko na rin yun sa isang blog post ng may magbasa naman ng blog na ito, hehe.

Nung isang gabi, matapos ang dalawang beses na hindi pagsipot na mayamang taga-Dubai sa mga pagtitipon ng ilang miyembro ng SEO Philippines, ito ay nagyaya upang magkaroon ulit ng pagkikita ang grupo. Biglaan ang pasabi, dahil aalis na raw siya sa Sabado. Kesa makita siyang nagmumukmok sa kalungkutan at panghihinayang dahil hindi niya malulustay ang kayamanan sa mga dayukdok na tulad namin, minarapat kong pumunta na rin sa napagkasunduang lugar.

Si Edward ang taong tinutukoy ko. Walang sinasanto, lahat sinasagasa. Kahit ako na Admin ng forum ay hindi man lang iginalang, pero sa YM ambait niyan. Parang seminarista. Sa kabila ng lahat, nagpapasalamat ako sa pagkakataong ibinigay nya upang magkitakita kaming mga miyembro. Maraming nakapunta… Si Major, si Maldita, si Mito, si Gurl (na sabi ni Mito ay “yan pare, ambigat niyan” na sabi ko naman “brad, tingnan mo, mabigat talaga yan”), si Anna, si Christian, si Noel (na pangitingiti lang dahil yata kay John Resse), si Almer (ang disiotso anyos na menor de edad), at siyempre ang idol kong si Rostum (mas mapera ito kay Edward).

Well, salamat sa lahat ng nagpunta, kay Edward na siyang gumastos sa lahat ng ininom at kinain namin. Sa mga taong walang humpay na namahagi ng kaalaman tulad paano magkaroon ng 250,000 backlinks gamit ang limang domains at isang software (sayang wala kayo, kaya sa susunod, pupunta na kayo). It’s worth it. Gumastos ako ng singkwenta pesos sa pamasahe dahil pag-uwi ko, malapit na lang (salamat kay Rostum sa pagsabay sa akin). Tapwe! Hihiramin ko ang mga salita ng isang Philip Tiangson “isang blog review lang yan”!

Sana sa susunod mas marami pang makapunta… Mas marami, mas masaya… Mas maraming tips… at sigurado, si Zaldy, mas maraming maiinom!

Eto mga pictures.

6 Comments

  • Sir KB, naks naman ng post mo..hanep sa tagalog, anlalalim.. galeng-galeng..it made my morning kahit stressed na ako dito…natawa ako na ewan.. sana meron pa uling gathering at makakuha kame ng tips at makabasa uli ako ng makulit na blog…:)

  • Grabe ang lalim ng tagalog mo, Naway maging isa kang pulitiko balang araw. Thanks sa pics.

  • Hi Niel… musta? inggit ako sa tagalog mo. pwede kita ma add sa blogroll ko? :-)

  • Sige. Naidagdag na rin kita sa blogroll ko. Wag ka ng mainggit. Kung gusto mo pwede kitang paturuan sa alaga namin, magaling magtagalog yun =)

  • salamat. nadagdag na kita dun… sino alaga niyo? :-)

  • and i quote…

    “Gurl (na sabi ni Mito ay “yan pare, ambigat niyan” na sabi ko naman “brad, tingnan mo, mabigat talaga yan”)”

    ngayon ko lang nabasa yan… mga gago kayo! sumbong ko kayo kay anna! :’(

Leave a comment

Archives