Jul 21, 2008

WordCamp Philippines 2008

Halos kulang kulang dalawang buwan at gaganapin na ang Wordcamp Philippines 2008 dito sa Maynila. Nung una, wala talaga akong balak dumalo dahil na rin sa dami ng trabaho ko. Pero naisip ko, ano ba naman ang mawawala kung papatusin ko ang pagkakataong ito, wala na nga akong dapat pang bayaran. LIBRE! Totoo ang nababasa ninyo, walang bayad, gratis! Ano pa ang hahanapin ko, ako na lang ang hinihintay, kaya naman nagparehisto agad ako at sana ay mabigyan ng tsansang mabigyan ng tiket. Kung wala ng upuan, pwede naman akong tumayo maghapon.

Nais kong pasalamatan ang mga tumulong upang matagumpay na maisakatuparan ang adhikaing mabigyan ng mas malawak na kaalaman at pang-unawa ang mga Pinoy sa blogging at sa WordPress. Bukod sa mga nakalista sa baba, ang unang pasasalamat ko ay para sa grupong Mindanao Bloggers na nagtaguyod ng napakagandang pagkakataong ito.

2 Comments

  • Thank you for registering for WordCamp Philippines!

    You will be receiving your camper pass via email soon.

    For updates, please visit http://philippines.wordcamp.org
    and/or subscribe to its feeds: http://feeds.feedburner.com/wcphils

    See you in WordCamp!

    MiGs
    on behalf of WordCamp Philippines Organizers

  • Migs,

    Thanks for your reply. See you in WordCamp.

    Neil

Leave a comment

Archives