Leoneil C. Maranan, EnP
Nakakapanibago… Yan ang tatlong letrang nakakabit sa pangalan ko dahil sa isang pangyayari nung nakaraang buwan. Hanggang ngayon, kahit na natapos na ang oath taking na binalahura ko ang pag pose, hindi pa rin ganun kalinaw sa mga tao, maging sa sarili ko kung ano nga ba ang EnP. Environmental Planner, pag tinatanong ako ng mga kaibigan ko, iniisip nila sa DENR na ako magtatrabaho, yung iba naman sabi sa NEDA daw, kasi dun daw ang planning. Pero may higit pa sa lahat ng mga haka hakang yun. Hindi naman yun nakakakahon sa DENR at sa NEDA lang. Subalit sa ngayon, patuloy ko ring hahanapan ng kasagutan ang mga tanong na yun.
Nais kong magpasalamat sa lahat na naging kabahagi ko sa aking tagumpay. Unang una, sa Diyos na gumabay sa akin sa exam, sa aking pinakamamahal na si Janielle na patuloy na naniniwalang kaya kong ipasa ang exam sa kabila ng mga problema at trabaho ko, sa pamilya ko sa kanilang suporta at paniniwala, sa Barangay Brando, sa mga kaibigan ko sa UP at CHED, sa mga kaBatch ko sa CCC, sa elite group, sa mga taong inabala ko para lang matulungan ako sa paghahanda sa exam sa ayaw nila at sa hindi.
Nagpapasalamat ako sa UP SURP, sa pangunguna ng aming dekano, Dr. Cabrido sa pagpiga ng lahat ng lakas ng loob upang harapin ang hamon na manguna sa magiging resulta ng exams. Salamat sa mga kaopisina namin, mga miyembro ng faculty, lalo na sa aking boss na si Boss Ernie, at si Dr. Mario na dati ko ring boss.
Binabati ko si Teeny, ang aking kapatid sa partido at trabaho, sa pagiging topnotcher sa exams. Masaya ako at di ko man nakuha ang pagiging number 1, siya naman ang nagtamo nito. Ito ang video na handog sa aming dalawa ni Teeny, mula sa pamilya ng UP SURP.










Leave a Reply