LP #6: Mahal na Ina

Ito ang mahal na ina ng aking ina, si Nanay Unic. Bagaman siyamnaput anim na taon na, di pa rin nawawalan ng pag-asa at pinanghihinaan ng loob. Kung gaano kalakas ang loob nyang mabuhay pa, ganun din kalakas ang boses niya kapag tinatawag ang pangalan ko. Dahil siya na ang pinakamatanda sa aming baryo sa Batangas, mistulang ina na rin siya ng pamayanan.
Eto ang mga naging tropeo ni Nanay sa nakalipas na siyamnaput anim na taon:
Anak: Sampu
Apo: Humigit kumulang na singkwenta
Apo sa tuhod: Humigit kumulang na isangdaan
Apo sa talampakan: Isa
Naisulat ko na din ito sa dati kong blog sa Friendster, pero ngayon, ilalathala ko ulit dito. Para sa mga nanay, saan man sa mundo, saludo ako sa walang katumbas nyong pagmamahal. At bilang isa sa mga anak na nais magbigay pugay, ito ang masasabi ko….
Salamat sa Iyo Nanay
Paggising sa umaga
Handa na’ng almusal sa mesa
Habang siya ay namamalansta
Ng uniporme sa eskwela.
Nabutas na ang medyas
Ang polo’y di kumupas.
Naluma na ang cellphone
Maong man ay may gasgas.
Nang dahil kay nanay
Sa husay niyang magsampay
Buhay ay nagkaroon ng kulay.
Salamat sayo nanay.










May 12th, 2008 at 9:00 am
at last nagpost ka din. nung thursday pa ako silip ng silip dito sa blog mo. hehe. ang galing ng lola mo. yung lola ko na 88 na di na sya nakakagalaw kung di inaakay. mabuhay ang mga lola natin!
May 12th, 2008 at 7:03 pm
wow naman. sana haba pa buhay nya.
May 12th, 2008 at 11:11 pm
96! Wow, ang galing ng lola mo. Nawa biyayaan pa siya ng ating Panginoon ng mas matagal pa na buhay.
May 13th, 2008 at 11:52 am
grabe, wala ang lola ko sa lola mo. fabulosa pa rin sa edad na nubenta’y sais ang iyong abuela.
May 14th, 2008 at 2:52 am
ang nanay unic namin! mis ko na cya… para sa kanya ang correct pronunciation ng name ko ay DULALAY… naalala ko nung mga bata pa kami… palaging nakakagalitan yang c kuya neil… lagi kcng nawawala… “ay nasan ga si neil?” hahaha! mis u nanay! paguwi ko…mghehermana ka sa dalipit… magpapasagala tayo kahit december!
May 14th, 2008 at 3:03 am
salamat nay unic sa pgdagdag ng tubig sa sinaing para may maiinom akong am nung sanggol pa ako. at sa napakarasap mong sinaing na tulingan!
May 21st, 2008 at 1:26 am
Wow! 96??? Ang tindi ni Nanay Unic. 100 apo sa tuhod? Parang si Abraham: sindami ng butil ng buhangin…
BTW, found your blog via WP-pinoys. God bless!