LP #5: MALUNGKOT

May 2, 2008 by Neil  
Filed under Litratong Pinoy

Ito ang una kong paglahok sa Litratong Pinoy. Pero sisimulan ko na ito sa kung ano ang pinakahuling tema sa linggong ito.

LP#5

Kuha ko ito kahapon sa Hundred Islands sa Pangasinan – isang isla hindi tinatahanan ng mga tao, at nadadalaw lamang kapalit ng ilang pisong bayad sa mga bangkero. Sinasabi kasing di raw kayang mabuhay ng tao na mag-isa. Naisip ko tuloy, paano pa ang tumira sa isang isla nang nag-iisa? Sa tulad kong makwento at parang kailangan lagi ng kausap, ang pagtira sa isla ng ako lamang at parang isang pagpapakamatay. Pagkat ito’y walang kasiyahan idudulot sa akin, maliban sa isang tambak na pag-aaalala at pangungulila.

Comments

4 Comments on "LP #5: MALUNGKOT"

  1. Thess on Fri, 2nd May 2008 2:41 pm 

    Hello kabayan Neil, welcome sa L.P. =)

    mukhang nakakalungkot nga mag-isa sa ganyang isla, mahirap na kausap mo lang ay sarili mo.

    hanggang sa susunod na Huwebes!

  2. korky on Fri, 2nd May 2008 4:51 pm 

    hi neil! d ka nga mabubuhay sa isla. hehehe. masaya ako at sumali ka din sa lp :)

  3. Grey on Sun, 4th May 2008 1:19 am 

    nakatira ang auntie ko malapit dyan sa hundred islands sa alaminos. nakakalungkot tignan dahil nami-miss ko tuloy ang masasayang panahon na lagi kami namamasyal dyan. haaay.. matagal-tagal pa ako bago makabalik ulit sa Pinas :(

  4. Meeya on Wed, 7th May 2008 1:02 am 

    hi neil, welcome to LP! naalala ko sa post mo si tom hanks dun sa pelikula niya. hindi ko maimagine kung sa akin nangyari yun. :( anyway, kitakits ulit sa susunod na huwebes. :)

    MyMemes: LP Malungkot
    MyFinds: LP Malungkot

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!