LP #6: Mahal na Ina
May 12, 2008 by Neil
Filed under Buhay-buhay

Ito ang mahal na ina ng aking ina, si Nanay Unic. Bagaman siyamnaput anim na taon na, di pa rin nawawalan ng pag-asa at pinanghihinaan ng loob. Kung gaano kalakas ang loob nyang mabuhay pa, ganun din kalakas ang boses niya kapag tinatawag ang pangalan ko. Dahil siya na ang pinakamatanda sa aming baryo sa Batangas, mistulang ina na rin siya ng pamayanan.
Read more
LP #5: MALUNGKOT
May 2, 2008 by Neil
Filed under Litratong Pinoy
Ito ang una kong paglahok sa Litratong Pinoy. Pero sisimulan ko na ito sa kung ano ang pinakahuling tema sa linggong ito.

Kuha ko ito kahapon sa Hundred Islands sa Pangasinan – isang isla hindi tinatahanan ng mga tao, at nadadalaw lamang kapalit ng ilang pisong bayad sa mga bangkero. Sinasabi kasing di raw kayang mabuhay ng tao na mag-isa. Naisip ko tuloy, paano pa ang tumira sa isang isla nang nag-iisa? Sa tulad kong makwento at parang kailangan lagi ng kausap, ang pagtira sa isla ng ako lamang at parang isang pagpapakamatay. Pagkat ito’y walang kasiyahan idudulot sa akin, maliban sa isang tambak na pag-aaalala at pangungulila.

