Ang May-Akda

Pilipino. Maginoo. Simpleng tao. Makamasa pero hindi kandidato.

Ang Blog

Ang blog na ito ay naglalaman ng kung anu-anong maisipan kong ilagay. Maaaring sabog at walang pagkakaugnay-ugnay ang nakasulat. Patnubay ng kasintahan ang kailangan.

    Nubentay Sais

    Naisulat ko ang tungkol kay Nanay Minya sa aking nagdaang blog post. Nung pumunta ako ng Batangas, bago pa ako lumuwas ng Maynila ay dumalaw din ako sa isa ko pang lola, si Nanay Unic (siya ang nanay ni nanay). Kung iniisip nyo bat magkakalapit lang ang bahay ng mga lola ko, third cousins si tatay at si nanay, kaya wag na kayong magtaka kung ganito man ako :) Ang daldal pa rin ni Nanay Unic, at tulad ng dati, walang sawang sinalaysay ang mga kaganapan sa buhay ko mula nung ako’y maliit pa. Maging ang mga masasayang kabataan ng mga kapatid ko ay hindi nakaligtas sa kanyang alaala. Natanong nya kung kailan ang alis ko.

    Lola: Kailan ga ang luwas mo?
    Neil: Ay di mamaya ho, pagkatapos ng libing?
    Lola: Wala ka pala sa kumpleanyo ko?
    Neil: Oo nga nanay, iiwan ko na lang sa inay ang pera, pandagdag sa handa nyo.
    Lola: Sayang naman, patay-baboy pa naman sa Martes, di na kayo makakakain.
    Neil: *bulong sa sarili* Pucha! Ang pera naman pala ng Nanay, parang barya lang yung ibibigay ko!
    Neil: Ilang taon na ga kayo?
    Lola: Siyamnapu’t Anim
    Neil: Talagang alam nyo pa rin ano?
    Lola: Di ga nga. Katanda ko na pala.

    Isa lang yan sa mga lagi naming usapan ni Nanay Unic.

    At si Nanay, kahit mahigit ng nubenta, nagyoyosi pa! At kung gusto nyong matuto ng mga salitang Batangas, siya ang dapat nyong kausapin. Yung sandaling pagdalaw namin ng mga kapatid ko sa kanya nung araw na iyon, napakaraming salitang Batangas ang naisave ko sa cellphone ko.

    Naisip ko nga kuhanan ng larawan si Nanay, at kahit na nayayamot ay nagpaunlak pa rin.

    At minumura nya ang kapatid ko sa tuwing nakikita niyang nakatutuok sa kanya ang kamera. Yun pala, ayaw lang niyang makita ang parang turban sa kanyang ulo, maging ang tuwalyang nakapulupot sa kanyang leeg. Eto na ang mga ebidensya na na feel na feel ni Nanay magpalitrato.


    Yan si Nanay Unic, simple pero rock!

    Pasakalye:
    Nais ko ring batiin si Brandong Bai na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon gayundin si Marlaloo at si Kitchie na may kaarawan nung Biyernes. Kay Ate Jen, pagaling ka!

    One Response to “Nubentay Sais”

    1. Jen Says:

      hehe koya, special mention pa ako, ansaya saya. :-) as in 96yo na lola mo. lupet! at ngyoyosi pa kamo. tsktsk di pala totoo na delikado sa buhay ang yosi. hehe. hay ansaya naman at andami mo pang lola ako ni isa wala ng naabutan.

    Leave a Reply

    Recent Readers. These are the cool and trendy people that reads my blog!Recent Readers

    El BrandoNoah-Cathy Wedding (The Brandos' Toast)Noah-Cathy Wedding (The Brandos)IMGP1416IMGP1440