Walang Oras Mag Blog
Nung isang buwan, sabi ko sa sarili ko “magiging regular na ang pagsusulat ko rito” pero hindi pa rin yun natuloy. Maging nung nakaraang Semana Santa, marami akong larawan ng mga nagpinitensiya sa amin sa Cainta, pero hindi ko na nagawang isulat pa ang mga obserbasyon ko. Paano nga rin naman, ni hindi ko matanggap na nagsisisi ang mga nakikitang kong nagpapakasakit nung araw na iyon, dahil pagkatapos mismo ng Senakulo, ayun at didiretso sa inuman ang mga hudas.
Nilagay ko lang sa titulo na wala akong oras magblog. Ang katotohanan… meron, pero mas pinipili kong magsulat sa kabila kong blog dahil iyon ang kumikita ng pera. Pera pera lang eh! Mahirap man aminin, mas pinaglalaanan ko ng panahon ang pagsusulat dun. Dahil na rin nga kumikita yun kahit papaano, hindi tulad nito na kelangan ko pang magmakaawa sa mga tao para lang may bumasa ng mga isinusulat ko. (Paawa effect din ang linyang yan, sana regular kayong magbasa rito).
Lahat na lang nagmamahalan, sana mga tao rin matutong magmahalan (taragis na punchline!). Ang bigas, ang mahal. Di na nga ako kumakain ng kanin sa gabi, bukod sa gusto kong lumiit ang tiyan ko, makakatulong pa ako sa kakulangan ng bigas sa bansang Pilipinas.
Pagbati: Sa pinakamamahal kong si Janielle, sa kaibigan kong si April San Juan, kumareng si Jane, sa maganda kong pinsan na si Rhonalisa, kay bestfriend Merlyn na nagdiwang kanilang mga kaarawan, maligayang pagbati!
May pakontest nga pala ako, ang “Blogging Can Change the World” contest. SEO Contest ito. Paunahan lang sa mga resulta sa Google kapag hinanap ang katagang “Blogging Can Change the World.” Nais ko lang isulong na ang pagba-blog ay maaaring magdulot na mabuting epekto sa atin, maging instrumento upang mas maging mabuti ang kalagayan ng mundong ating ginagalawan. Kung nais nyong makiisa sa layuning ito, puntahan lamang ang pahinang ito para sa mga detalye.
Pakikiramay: Sa mga kabatch kong pumanaw na. Jeah Avila at Leovelle Sisante, at sa anak ng kabatch ko ring si Aimee Raagas, dalangin ko ang ikatatahimik ng kanilang mga kaluluwa.










May 27th, 2008 at 8:30 pm
Hi Neil,
Minsan talaga mahirap magdagdag ng content sa blog. Kahit ako hanggang ngayon medyo nachachallenge pa rin. I’m starting to fill it still with content though.
Anong update sa anak ni Aimee? Bakit nakasama yun sa list? Yung kay Leovelle at Jeah lang ang alam ko…