Ang May-Akda

Pilipino. Maginoo. Simpleng tao. Makamasa pero hindi kandidato.

Ang Blog

Ang blog na ito ay naglalaman ng kung anu-anong maisipan kong ilagay. Maaaring sabog at walang pagkakaugnay-ugnay ang nakasulat. Patnubay ng kasintahan ang kailangan.

    Inday: The Side Trip

    Ito ang mga koleksyon ko pa ng Inday Jokes, pero sa ngayon, ito ang mga hirit ibang mga taong naging bahagi ng kanyang makulay na buhay.

    We would like to invite you as we take our vows and affirm our special promise to cherish each other with mutual love, respect, and fidelity before God and man as husband and wife on Saturday, October 29, 6PM at Sanctuario de San Antonio, McKinley Road, Forbes Park Makati. Reception will follow at the Manila Peninsula Grand Ballroom.
    R.S.V.P
    Attire: Formal
    “DUDONG AND EDERLYN NUPTIAL”
    Inday: PAKSYET ka Dudong! How could you?

    “She thinks that she’s the only homo sapiens that can utter such euphonic statements? She might want to think again!” - Rosing, katulong sa kabilang bahay na galit kay Inday

    “Ang batayan ng pagiging mahusay na kasambahay ay hindi masusukat sa kakayahan sa isang mahusay na pakikipagtalastasan gamit ang pananalitang banyaga. Sa halip, ito’y masusuri sa kakayahang gampanan ang pangkalahatang gawain at pagsisilbi sa taong pinaglilingkuran. Wala sa salita kundi sa gawa!” - Manang ang bagong katunggali ni Inday

    Amo: Mula ngayon, walang magsasalita ng Ingles. Ang sinumang magpadugo ng ilong ko at sa mga anak ko, palalayasin ko sa pamamahay na ito! Klaro ba?
    Inday: Ang mga namutawi sa inyong mga labi at mataman ko pong iiimbak sa sulok ng aking balintataw, sa kaibuturan ng aking puso, gugunamgunamin, aariing salik ng aba at payak kong kabatiran. Tatalikdan ang matayog at palalong banyagang wika, manapay kakalingain, bibigkasin, at sakdal timyas na sasambitin ng aking sangkalooban.

    “I know that saying sorry is not enough to atone for all the pain I caused you. I succumbed easily to the temptation and addicting excitement offered by a forbidden relationship, forgetting the inviolability of our love. I know I’m not worthy, but I hope you could find it in your heart to forgive me and give me another chance.” - sabi ni Badong kay Inday. Nag-explain sa naging relation nila ni Lornang labandera…

    Leave a Reply

    Recent Readers. These are the cool and trendy people that reads my blog!Recent Readers

    El BrandoNoah-Cathy Wedding (The Brandos' Toast)Noah-Cathy Wedding (The Brandos)IMGP1416IMGP1440