Masaya ako
Isa ito sa pinakamasaya kong araw. Bakit? Aba eh isang dekada na kami ni kumander! Kita mo nga naman. Parang 10 years ago lang eh ni hindi pa namin naiisip na tatagal kami ng ganito pero kita naman ang ebidensya… sampung taon ng wagas (naks!) na pagmamahal.
Actually, I’m speechless! Parang awards night lang. Pero totoo. Panay lang ang pasasalamat ko kay Lord at patuloy kaming tinutulungan para makatawid sa bawat pagsubok. Iba kong magmahal. Malupit!




