Ang May-Akda

Pilipino. Maginoo. Simpleng tao. Makamasa pero hindi kandidato.

Ang Blog

Ang blog na ito ay naglalaman ng kung anu-anong maisipan kong ilagay. Maaaring sabog at walang pagkakaugnay-ugnay ang nakasulat. Patnubay ng kasintahan ang kailangan.

    NeiLathala: Reloaded

    Matapos ang matagumpay na kabanata ng buhay ni Inday, muli kong bubuhayin ang blog na ito sa pagsisimula ng bagong bihis at mas madalas na pagsusulat. Sana ay magtuloy-tuloy na ang pagsusulat ko dito. Marami ng buwan ang nagdaan pero halos isang post lamang sa isang buwan ang nagagawa ko. Nakakainggit tuloy ang mga kaibigan kong madalas magblog at may mga regular ng nagbabasa. Paano nga ba nila nagagawa na magkaroon ng regular na mambabasa? Susubukan ko ang mga ginagawa nila. May pa tag tag pang nalalaman. Sige nga try lang… Tag ko si Mhel, Jennie, Korky, Maru, at Glitch.

    Bebenta kaya ang mga larawan ko dito? Di naman ako pornstar para puntahan ng nakakarami, at kung nagkataong pornstar nga ako, me pupunta ba? Baka ako pa ang magbayad para lang may pumunta. Sana’y maibigan ng mga pupunta dito ang bago imahe ng aking blog, kasama na ang mga larawan kong sa ayaw at sa gusto ninyo at dadagdagan ko pa.

    Leave a Reply

    Recent Readers. These are the cool and trendy people that reads my blog!Recent Readers

    El BrandoNoah-Cathy Wedding (The Brandos' Toast)Noah-Cathy Wedding (The Brandos)IMGP1416IMGP1440