Browsing articles from "February, 2008"
Feb 29, 2008

CCC 97 Reunion

Noong Sabado, nagkaroon ako ng tsansang makasama muli ang mga kaibigan ko noong high school ng kami ay magdaos ng reunion sa Benaz Garden ang aming batch. Nakakatuwa, sapagkat makalipas ang 11 taon, heto kami’t muling nagkasama-sama para sariwain ang mga alaala ng masayang buhay noong high school.

Masaya. Yan lang ang masasabi ko. Di ko kasi inakalang napakarami ng darating sa kabila ng maikling panahong ipaalam sa karamihan ang nasabing pagtitipon. Marahil, malaking bagay ang nagawa ng aming website para makatulong na ipaalam sa iba ang nasabing reunion.

Maraming kuhang kaganapan noong Sabado, di ko nga lang maaaring ipost dito dahil sa malaking bandwidth na kakainin ng hosting. Kung gusto nyong makita, maaari nyong dalawin ang website na ito.

Archives