UP Centennial Song – Ang Galing Mo
Noong isang linggo, sinimulan ang pagdiriwang para sa ika-100 taon ng Unibersidad ng Pilipinas. Sumama ako sa parada, sa katunayan, ako pa ang may hawak ng plakard ng aming paaralan. Kakahiya, maraming kamera. Matagal na din akong wala sa showbizness kaya di ko kinaya ang mga lenteng paulit ulit kumukuha ng larawan ko, lolz!
Nais kong ibahagi ang awiting isinulat para sa pagdiriwang na ito. Pinamagatang “UP Ang Galing Mo”, sinasabing ang kantang ito ay sinulat ng isang 55-anyos na alumnus ng Pamantasan. Nakakabilib, dahil sa edad na ganun, ang dating ng musika ay makabago, hippy, at pang-masa. Ang akala ko nga noong una ay Rocksteady ang tumirada nung kanta.
Tama na ang basa, eto na ang lyrics at sabayan ang tugtog.
UP Ang Galing Mo!
Narito kami nagpupugay
Sa unibersidad ng aming buhay
Ikaw pa rin ang binabalikan
‘Di pa rin malilimutan
Ikaw ang UP naming mahal
Salamat sa iyong mga guro
Salamat sa inyong pagtuturo
Taglay niyo ang kahusayan
Taglay niyo ang karunungan
Hinubog niyo kami sa kabutihan
Sandaang taon na tayo
Lagi ka pa rin sa aming puso
Kaya’t kami sumasaludo
UP ang galing mo!
UP ang galing mo!
Wala nang iba pang maihahambing
Sa talino mo’t angking galing
Daanin man sa siyensya
Hi-tech man o kahit ano pa
Ikaw UP ang nangunguna
Sa iyong mga dugo ang kasaysayan
Dumaloy sa pag-unlad ng ating bayan
Sagisag ka ng kagitingan
Bandila ka ng kalayaan
Pag-asa ka ng mamamayan
Sandaang taon na tayo
Lagi ka pa rin sa aming puso
Sandaang taon na tayo
UP ang galing mo!
UP ang galing mo!
Sandaang taon na tayo
Dangal ka ng Pilipino
Sentro ka ng pagbabago
UP ang galing mo!
Sandaang taon na tayo
UP ang galing mo!
UP ang galing mo!




