Ano daw?????
Medyo luma na ito, pero bukod sa nakakatawa, nakakaalarma din. Nung una, kala ko niloloko lang ako ng kapatid ko dun sa mala-”Wow Mali” news clip ni Michael Fajatin. Hindi pala… kahit ako di ko ma-gets ng husto kung ano ibinabalita niya. Sana naman, hindi ito maging “normal” na gawain para sa mga journalists natin. Madalas sa TV, kung di nabubulol, bigla na lang uubo sa kalagitnaan ng pagbabalita. At eto ang pinakamasaklap… hindi mo talaga mauunawaan kung ano ang ibinabalita. Ang nangyari tuloy, sa halip na siya ang magbalita, siya ang naging BALITA.





ano daw yun, hehehee… away na inaway na inaaway dahil sa pinagaawayan
welkam sa WPP…