Bagong blog
Sa totoo lang, hindi ko din alam kung makakapagsulat ako lagi sa blog na ito. Bukod sa ilan pang mga websites na aking hinahawakan, marami din akong mga inaasikasong bagay na tingin ko ay mas mahalaga. Mga pinagkakakitaan baga… mga bagay na sa ilan taon kong paggamit ng Internet ay nito lamang mga nagdaang buwan ko napag-alaman. Haaayyy, napakaraming pagkakataon ang nasayang, sana mayaman na ako ngayon, hehehe.
Bukod pa rito, hindi rin nga ako writer by heart. Hindi ko linya ang magsulat, maaaring marami akong kayang sabihin o gustong ipahayag, pero hindi ko talent ang magsulat kagaya ng mga nababasa nyo sa magazine o sa dyaryo. Kung ano man ang nababasa nyo ngayon dito, direkta yan, kung ano lumabas sa utak ko, yan ang tinitipa ng mga darili ko sa keyboard. Minsan lang ako magBACKSPACE, mostly pag wrong spelling pa.
Para di din naman kayo antukin sa mga susunod kong blog entries, naisip kong maglagay ng “inserts” or bits of info para sa inyong karagdagang kaalaman.
Text Quote of the Moment
“I’m sad because I can’t have the one I love… but what I didn’t realize is that somebody else is in much deeper pain for not having me.”
Trivial Matters
Ang isang tunnel worker sa New York ay kayang kumita ng higit sa $100,000 kada taon. Sa piso, ito’y humigit-kumulang 50 milyong piso.
Annoying People
Kinaiinisan ko ang mga taong nagyoyosi sa loob ng jeep! Bakit kasi hindi hulihin ang mga ito, violation ng Clean Air Act yan. Kala mo sila ang may-ari ng jeep, at kahit nga sila pa din yun, ito’y isang malinaw na paglabag sa karapatan ng ibang taong lumanghap ng sariwang hangin.
Useless Website
ClickClickClick - magclick ng magclick hanggang mapasma mga kamay nyo!










May 31st, 2007 at 8:59 am
“Mga pinagkakakitaan baga… mga bagay na sa ilan taon kong paggamit ng Internet ay nito lamang mga nagdaang buwan ko napag-alaman. Haaayyy, napakaraming pagkakataon ang nasayang, sana mayaman na ako ngayon, hehehe.”
— malapit ka na yumaman…. sa ilang araw at linggo long naka log in sa YM, lagi ka digging for money… libre naman jan!
June 16th, 2007 at 10:29 pm
Uy, neil! Turuan mo naman ako niyan! Really, really interested. =)